Mag-asawa Ipinasilip ang Kanilang Naipatayong Bahay Kubo sa Batangas na may Bohemian na Tema at Disenyo sa Loob, Perpekto Bilang Bahay Bakasyunan nila sa Probinsya

Kung titingnan mula sa malayo ay masasabi na mistulang isang simpleng bahay kubo lamang ang bahay na ito ngunit kung titingnan sa malapitan ay talagang bibilib ang sinuman sa ganda nito — mula sa napakagandang garden na nakapalibot dito, sa disenyo ng labas ng bahay, hanggang sa napakagandang interiors nito.

Gaya ng nabanggit, nakapalibot sa modern bahay kubo na ito ang isang malawak na garden na punong-puno ng iba’t ibang makukulay na bulaklak, ito ay pagmamay-ari ni Catherene Goloso-Salisod at matatagpuan sa Santo Tomas Batangas.

Photo credits: Catherene Galoso-Salisod | Facebook

Photo credits: Catherene Galoso-Salisod | Facebook

Talagang ma-eenjoy ito ng sinumang magbabakasyon sa bahay kubo dahil mayroong espasyo sa labas ng kubo na inilaan si Catherene para sa ilang mga upuan. Mula rito, maaaring makita ang napakagandang tanawin sa kanilang lugar.

Photo credits: Catherene Galoso-Salisod | Facebook

Pagdating naman sa mismong bahay kubo, sasalubong ang porch na mayroong mga built-in na benches. Bukod sa mga bulaklak at ilan pang mga disenyo na nakadagdag sa kagandahan ng lugar, naglagay rin si Catherene ng ilang cushions upang maging mas komportable ang pagpapahinga nila at ng kanilang mga bisita rito.

Photo credits: Catherene Galoso-Salisod | Facebook

Sa loob naman ng bahay, mapapansin agad ang bohemian na tema at disenyo nito. Makikitang limitado rin ang espasyo ng lugar kaya naman talagang siniguro ng mga may-ari na magagamit nila nang mabuti ang bawat sulok nito. Sa isang banda ng bahay ay makikita ang isang sofa bed.

Photo credits: Catherene Galoso-Salisod | Facebook

Mula rito ay maaaring makapagpahinga ang mga homeowners habang pinapanuod nila ang kanilang paboritong palabas sa telebisyon.

Photo credits: Catherene Galoso-Salisod | Facebook

Bukod dito, ginamit rin ng mga may-ari ang high ceiling ng bahay kubo upang magkaroon sila ng maliit na loft at karagdagang espasyo. Dagdag pa rito, nagkaroon din sila ng karagdagang storage space para sa kanilang mga personal na kagamitan.

Photo credits: Catherene Galoso-Salisod | Facebook

Sa kabila ng limitadong sukat ng bahay, hindi pa rin nila nalimutan na pagandahin ang modern bahay kubo na ito. Pasok na pasok nga sa bohemian na tema ang kakaibang mga ilaw na makikita sa loob at labas ng bahay. Mapapansin din ang ilan pang mga bohemian na disenyo.

Photo credits: Catherene Galoso-Salisod | Facebook

Bagamat talagang napakaganda ng bahay kubo na ito, mapapansin na walang espasyo rito para sa isang simpleng kusina. Hindi naman ito magiging isang isyu dahil pwedeng-pwedeng makapaghanda at makapagluto ng iba’t ibang pagkain sa malawak na espasyo sa labas ng bahay.

Photo credits: Catherene Galoso-Salisod | Facebook

Photo credits: Catherene Galoso-Salisod | Facebook

Talaga namang perpekto ito bilang bakasyunan ng mga magbabarkada o ng isang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *