Mag-asawa Ipina Renovate ang kanilang dating Bodega na Ngayon ay Isa Nang Napakaganda at Modernong Bahay

Marami na ngayon ang sumusubok na ayusin at ipa-renovate ang kani-kanilang mga lumang tahanan, bodega, at iba pang properties. Ginagawa nila ito upang mapakinabangan nang husto o kaya naman ay mapagkakitaan ang mga ito. Ito nga ang ginawa ng homeowner na ito sa kaniyang lumang bodega na ngayon ay pwedeng-pwede nang matirhan at mapagkakitaan.

Kwento ng may-ari ng bahay na si Leen Sola, una niyang nabili ang bahay na ito noong taong 2020 bilang isang paupahan. Kalaunan, ginawa na lamang nila itong bodega dahil na rin sa napakalumang itsura nito. Sa kabutihang palad, nakahanap sila ng inspirasyon mula sa Facebook group na Home Buddies kung paano nila pagagandahin ang bahay na ito.

Dahil dito, nagdesisyon silang ipa-renovate ang property na ito upang mapagkakitaan nila bilang isang paupahan. Dagdag pa ni Leen, Marso noong 2021 nang magsimula ang kanilang renovation.

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Noong una ay plano nila na gawing simple lamang ang renovation upang magkaroon lamang ng disenteng tirahan ang mangungupahan sa kanila. Pinili din nila ito dahil alam nilang limitado lamang ang kanilang budget.

Sa kabila nito, hindi pa rin nila naiwasan na gumastos nang malaki. Ikinagulat din nila ang paglaki ng pera na kanilang inilalabas para sa renovation na ito. Dagdag pa rito, gaya ng ilang homeowners na nagpapatayo ng bahay ay mayroon din silang mga hamon na hinarap.

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Ito rin ang unang pagkakataon kung saan magpapatayo sila ng isang bahay. Dahil sa kanilang kakulangan sa karanasan pagdating dito, hindi maitatanggi ang stress na naranasan ni Leen at ng kaniyang asawa sa pagpapa-renovate ng bahay na ito.

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Marami man silang hamon at isyu na napagdaanan, sulit na sulit naman ang lahat ng ito dahil sa hindi inaasahang resulta ng konstruksyon ng bahay. Ayon kay Leen, natapos ang pagpapagawa ng kanilang bahay sa loob lamang ng dalawang buwan.

Napakaganda rin nito at kumpleto pa sa mga furnitures at appliances kaya naman talagang ikinagulat nila ito lalo na at limitado lamang ang kanilang budget. Dahil dito, labis ang kanilang pasasalamat sa Diyos.

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Dahil sa kagandahan ng bahay, hindi na nakapagtataka na sa ngayon ay ang pamilya muna ni Leen ang naninirahan dito ngunit kalaunan ay ipagpapatuloy nila ang kanilang plano na gawin itong isang paupahan.

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Photo credits: Leen Sola | Facebook 

Narito ang buong post ni Leen Sola sa facebook group na Home Buddies,

“Hello Virtual Kapitbahay
Flex ko lang din yung munti naming tahanan 
Nakaka inspired yung mga bahay dito, ang gaganda , kaya nung nagpa renovate kami last March saktong sakto na nakita ko tong group na to, nakakuha kami ng ideas sa interior at nabudol na din 
Exactly 1 month today nung mag move-in kami dito
Happy monthsary to our humble abode 
Nabili namin lastyear, paupahan sya before tapos ginawa kong bodega , as in lumang bahay na kaya madugong renovation talaga 
Sabi namin mag asawa konting paayos lang, dahil balak din naman namin ipa-rent.Para hindi naman nakakahiya sa uupa.
Konting budget lang sana, pero ganon pala talaga pag nagpapagawa ka ng bahay, yung budget mo hindi mo na mamamalayan palaki na ng palaki at mgugulat ka na lang san mo hinuhugot lahat  at mejo nakaka stress since first time lang namin magpapa gawa ng bahay .
Pero masaya naman kami sa kinalabasan, dahil hindi ganito “kaganda” yung ineexpect namin, kasi nga wala kaming budget . Pero totoo yung
“ God will Provides “ basta pag pray mo lang sa kanya, at sabayan mo ng sipag walang imposible.
Habang ongoing yung construction ng bahay . Sumasabay din yung magandang sales ng maliit na negosyo ko, kaya dere derecho lang yung pag papagawa. Awa ng dyos natapos after 2months.
May extra pa, nakabili ng mga bagong appliances at furniture. Nawala na sa isip namin na ipapa rent, sa ngayon kami muna titira habang waiting sa turn over ng kinuha naming bahay thru pag-ibig,
Thank you LORD GOD 
Goal Unlocked ”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *