Mag-asawa Bumili ng Isang Hektaryang Lupain sa San Juan Batangas at Nagpatayo dito ng Dalawang Napakagandang Ancestral-Inspired House at Tiny Swimming Pool

Isa sa ultimate dream ng karamihan ay ang magkaroon ng lupain at bahay sa isang tahimik na lugar na napapalibutan ng mga puno, nakakarelax na kapaligiran, at malamig na simoy ng hangin. Ito ang pangarap na naisakatuparan ng pamilya Bufi.

Sa panibagong episode na inilabas ng OG Youtube Channel, ibinahagi nila ang napakagandang farm ng pamilya Bufi na kanilang pinangalanang Bufi Farm na matatagpuan sa San Juan Batangas. Ayon sa anak ng may-ari na si Patty Bufi binili ng kanyang mga magulang ang farm na ito noong 2007 ngunit 10 taon din bago ito sinimulang idevelop ng kanilang pamilya.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Pagbabahagi ni Patty na ang kanyang mga magulang ay nagtratrabaho sa corporate world ngunit madalas ang mga ito maghanap ng lugar kung saan sila pwede makapagrelax isang lugar na tahimik at napapalibutan lang ng mga puno, kaya nagdesisyon ang mga ito na patayuan ng bahay ang kanilang nabiling lupain sa San Juan Batangas na may kabuoang sukat na Isang Hektarya.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Kwento ni Patty na ang kanyang ama ay talagang mahilig sa mga disenyo ng sinaunang bahay at madalas siyang makarinig ng mga kwento dito patungkol sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas kaya naman ang dalawang ipinatayong bahay na mismong ama ni Patty ang nagdisenyo ay mga Acestral House inspired na hango ang disenyo sa kulturang Pilipino.

Bahay Janer

Ang unang ancestral inspired house na ipinasilip ni Patty ay ang Bahay Janer kung saan kinuha ang pangalan nito sa kanyang ama na si Janer Bufi. Isa itong 2-storey ancestral spaniard inspired o mas kilala bilang bahay na bato kung saan ang unang palapag ay gawa sa bato habang ang taas namaan ay gawa sa kahoy.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Pagpasok sa loob mararamdaman agad ang kakaibang pakiramdam na parang bumalik ka noong unang panahon dahil sa kahanga-hanga at unique nitong disenyo na hango sa mga sinaunang disenyo ng bahay sa Pilipinas.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Mapapansin dito na pati ang mga kagamitan kagaya ng electricfan, mga ilaw, bintana, lamesa at upuan, pati kama ay kakaiba at hango sa sinaunang disenyo. Ang Bahay na ito ay may dalawang silid tulugan kung saan parehas na may double size bed na gawa sa nara wood.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Mayroon din silang dalawang palikuran sa Bahay Janer isa sa baba at isa sa taas kung saan ay napaka vintage din ng itsura, nagbigay din ng napakagandang looks ang mga mural na iniginuhit sa ceiling kung saan nakuha nila ang ideya noong nakapasyal sila sa Vigan at nakapasok sa ilan sa mga ancestral house doon.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Bahay Trinidad

Ang sumunod naman na ipinasilip ni Patty ay ang bahay trinidad kung saan nakuha ang pangalan nito sa pangalan ng kanyang Ina na si Maria Trinidad Jacinto Bufi.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Halos may pagkakaparehas ang itsura ng bahay trinidad sa bahay Janer kung saan ang silong nito ay gawa sa bato samantala ang first floor naman ay gawa sa kahoy. Isa sa magandang atraksyon sa bahay na ito ay ang napakalapad na balkonahe.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Mas malaki naman ito sa kanilang bahay Janer dahil may sukat ito na 60 sqm kung saan mayroon itong dining table, living area dalawang kwarto isang loft bed at dalawang banyo kung saan swak na swak para sa isang malaking pamilya.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Mararamdaman din sa bahay na ito ang kulturang pilipino dahil sa mga antique style na kagamitan at may inilagay din sila dito na mga sinaunang laro kagaya ng sungka, jackstone at chess na pwedeng gawing bonding libangan ng kanilang pamilya kapag sila ay nagbabakasyon dito.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Sa labas naman makikita ang napakalawak na kapaligiran na napapalibutan ng napakagandang berdeng mga damohan, at isa sa napakagandang atraksyon nila dito ay ang kanilang bilog na tiny swimming pool na talagang naeenjoy nilang pamilya.

Outdoor Area

Ipinasilip din ni Patty ang kanilang inilagay na swing set duyan at tiny bahay kubo na para sakaniyang mga pamangkin.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Samantala ayon kay Patty na open sa publiko ang kanilang Bufi Farm para sa mga taong naghahanap ng kakaibang vacation experience habang ninanamnam ang sariwang hangin at nakakarelax na kapaligiran at mas malapit sa nature.

Narito at panoorin ang video na ibinahagi ng OG.

This Relaxing Farm Has Houses Reminiscent of the Old Days — and You Can Rent Them | Unique Homes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *