Couple Masaya at Proud na Ipinasilip ang Kanilang Magarbo at Modernong Dream House na Magkatulong Nilang Ipinundar

Sa YouTube channel ng OG (stands for Only Good) ay masayang ipinasilip ng magpartner na parehong LGBTQ na sina David Mercado, 36 at Ryan Tan, 41 ang napakaganda, magarbo at modernong tahanan na kanilang magkatulong na naipundar.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Makikita ang dream house nina David at Ry sa Cavite, kung saan ito ay two-story home na may basement at mayroong modernong disenyo. Bago pa man ipasilip ng magpartner ang kanilang napakagandang tahanan, ay una muna nilang ipinakita ang kanilang garage area na kasya umano ang dalawang kotse.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Matapos ipakita ang kanilang garage area, isinunod naman ng dalawa ang daanan patungong basement kung saan agaw-pansin ang luntiang mga halaman na tinawag nil ana vertical garden. Ipinakita rin ng dalawa ang service area nila, na ayon pa sa kanila ay plano nilang gawing dirty kitchen.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Ayon kay Ry, lumaki siyang walang tipikal na dream home, basta’t ang gusto lang niya ay ang magkaroon ng malaking bahay.
Bago tuluyang ipasilip nina David at Ry ang basement sa kanilang tahanan, ay ibinahagi nila na naroroon sa basement ang kanilang maids room, drivers room, stock room at ang pinaka-espesyal kay David ang kanyang music room.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Habang ipinapasilip ang kanyang music room ay ibinahagi ni David kung gaano kalaking parte ng buhay niya ang silid na ito, lalo na at dito umano siya madalas na nagtatrabaho, bilang isang singer at song writer.

Taong 2015 ng magkakilala sina David at Ry, at bago pa man sila manirahan sa kanilang napakalaking tahanan ngayon , ay una silang nanirahan sa isang maliit na condo. Ayon kay Ry, habang na-e-experience nila ang city life, ay doon naman umano pumapasok sa kanilang ideya ang magkaroon ng malaking bahay na nakatirik sa isang lugar na may nakaka-relaks na tanawin.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Nabili nina Ry at David ang lupang kinatitirikan ng tahanan nila ngayon noong taong 2016, at ayon kay Ry, nang makita nila ang naturang lupain ay talagang nagustuhan nila ito, dahil sa magandang view na mayroong ito. Dahil sa medyo mataas ang halaga ng lupain na ito na kanilang nagustuhan, ay hindi muna umano sila nagplano ni David na magpatayo ng bahay at napag-usapan na mag-iipon muna para sa kanilang dream house. Sinimulan ng magpartner ang pagpapatayo ng kanilang tahanan noong taong 2020, kasagsagan ng pandemya.

Samantala, matapos maipasilip ang kanilang basement, ay sinunod ng ipakita nina David at Ry ang kanilang main house, at bago pa makapasok sa loob ng tahanan ng dalawa ay unang bubungad ang kanilang magarang pintuan na gawa sa solid Nara at ang disenyo nito ay ipina-customized nila. Para naman masiguro ang siguridad nila, ay pinalagyan din nila ang kanilang main door ng digital lock kung saan ang pintuan nila ay maaring mabuksan lamang sa pamamagitan ng code, card at finger print.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Pagbukas ng kanilang main door, ay agad na bubungad ang napakamaaliwalas na living area dahil sa pagkakaroon nito ng high ceiling. Isa naman sa mga agaw-pansin na accent sa living area ng tahanan na ito nina David at Ry ay ang kanilang accent wall sa may left side na custom made at gawa sa idibidwal blocks na kahoy ng mahogany. Ayon kay David, nakuha nila ang ideyang ito sa kanilang wall sa Pinterest, binago lamang umani nila ang disenyo para mas maging unique.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Mapapansin naman na walang telebisyon sa living area, at ayon kay Ry, talagang hindi sila nagpalagay ng TV dahil mas magandang walang distraction kapag nagsasama-sama at nagba-bonding sila doon ng kanilang mga kapamilya o kaibigan.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Pagbabahagi ni David ang kanilang tahanan ay mayroong disenyong modern contemporary. Saad pa niya, mapapansin sa tahanan nilang ito na ang karaniwang makikitang mga kulay ay shades ng blue, dark blue, orange, dark oranger at copper, dahil umano sa ang mga kulay na ito ang naging tema sa naging union ceremony nila ni Ry noong taong 2018.

Kapansin-pansin din na ang buong tahanan nina Ry at David at nakukulayan ng puti, at ayon kay Ry ito ay dahil napakalinis tingnan ng puti, at ganito ang nais ang nais ni David. Pagbabahagi pa ng dalawa, hindi naman umano talagang mawalak o malaki ang kanilang tahanan na ito, mas lumawak at lumaki lamang ito dahil na rin sa pagkaka-disenyo nito at sa pagkakaayos.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Ipinagmalaki naman ni David na lahat ng mga kagamitan na makikita sa tahanan nila na ito ni Ry ay customized made, tulad na lamang ng kanilang buffet table at console table.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Ang kusina naman sa tahanan na ito ng dalawa ang isa umano sa mga paborito nilang bahagi ng kanilang tahanan. Makikita na ang kanilang kusina ay puti din ang tema at talaga namang moderno ang mga kitchen appliances.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Ipinasilip din nina David at Ry ang powder/bath area sa unang palapag ng kanilang main house, kasunod nito ay ipinakita nila ang nag-iisang kuwarto sa nasabing palapag, at ito ay ang guest room. Ayon kay Ry, ang lahat ng silid sa tahanan nilang ito ay may sariling mga CR, at kaya din umano nila pinili na magpalagay ng silid sa groud floor ay upang mayroon na silang magagamit ni David na silid kapag sila ay matanda na at hindi na kaya pang umakyat ng hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Pag-akyat naman sa ikalawang palapag ng tahanan na ito nina David at Ry ay agad na bubungad ang kanilang tambayan area, kung saan dito umano silang dalawa madalas na naglalaro ng mobile legend dahil sa dito sa area nito malakas ang internet.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Maliban sa lounge area o ang tambayan area, makikita din sa ikalawang palapag ang office ni Ry kung saan dito siya madalas na nagtatrabaho. Ipinakita din ng dalawa ang isa pang guest room na nasa palapag na ito, at ang kanilang masters bedroom na mayroong walk-in closet at sariling bathroom.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Tunay namang napakaganda ng masters bedroom nina Ry at David, dahil ito ay tila isang silid sa mamahaling hotel. Nagmistula ding parang boutique ang kanilang walk-in closet dahil sa puro gawa sa glass ang lagayan nila ng mga damit, at ang mas nagpagarbo pa dito ay ang mga ilaw nito. Napaka-fancy din ng kanilang masters bathroom dahil sa mga kagamitan dito, tulad na lamang ng faucet at shower na gold ang kulay.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Ibinahagi naman ni Ry na ang lot area na tinitirikan ng kanilang tahanan na ito ay nasa 260sqm, samantala ang kabuuan naman ng floor area ng tahanan nila ay nasa 350sqm. Ibinahagi naman nina David at Ry na nabili nila ang lupa na tinitirikan ng kanilang tahanan sa halagang Php5-milyon, at ang kabuuang halaga naman ng kanilang tahanan kasama na ang mga magagara nilang kagamitan dito ay umaabot sa Php11-milyon hanggang Php12-milyon.

This Immaculate Home Will Show You What Makes a House Look Expensive | Unique Homes | OG

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *