Isang Pinoy Local Artist, Hinahangaan Ngayon Dahil sa Kaniyang mga True to Life Miniature Barung-Barong na Obra

Talagang kahanga-hanga ang galing at talento ng mga Pilipino. Anumang uri ng sining ay talagang kinikilala ang husay ng ating mga artists. Totoong ang kanilang mga obra ay isang magandang paraan upang maipakita ang kanilang kakayahan gayundin ang kasalukuyang kalagayan at kaganapan sa bansa. Ginagamit din nila ang mga ito bilang hanap buhay upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Isa nga sa mga artist na hinahangaan ngayon ay si Jayson Muñoz o mas kilala bilang Nhoda. Una siyang nakilala bilang isang tattoo artist mula sa Mabalacat, Pampanga at noong Disyembre 2020 ay nagsimula na siyang gumawa ng miniature art. Kwento niya, noon pa man ay talagang malikhain na siya.

Photo credits: Nhoda’s Crafts | Facebook

Sa kabila nito, hindi maipagkakaila na isa sa mga hamon sa paggawa ng miniature art ay ang paghahanap ng mga materyales lalo na ang mga recycled materials para sa kaniyang bubuuing piyesa. Bukod pa rito, isang hamon rin na gawing makatotohanan ang miniature art. Sa kabutihang palad, dahil sa imahinasyon at pagkamalikain ni Nhoda ay nakadiskubre siya ng iba’t ibang paraan at diskarte upang maging perpekto at makatotohanan ang kaniyang mga obra.

Photo credits: Nhoda’s Crafts | Facebook

Photo credits: Nhoda’s Crafts | Facebook

Nagbunga rin naman ang oras at talentong inilalaan ni Nhoda sa kaniyang mga obra dahil napakaraming tao na ang nakakakilala sa kaniya at nagnanais na bumili ng kaniyang mga proyekto. Regular man ang kita na kaniyang nakukuha mula sa mga miniature art, gumagawa pa rin siya ng paraan upang makilala siya ng mas maraming tao.

Photo credits: Nhoda’s Crafts | Facebook

Photo credits: Nhoda’s Crafts | Facebook

Isa na rito ang pagsali niya sa iba’t ibang grupo, pagbukas ng YouTube channel at Facebook page, at ang kaniyang pagsali sa iba’t ibang patimpalak at art exhibits. Sa tulong ng mga ito, naipapakita niya ang kaniyang mga proyekto sa mas maraming tao hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Photo credits: Nhoda’s Crafts | Facebook

Photo credits: Nhoda’s Crafts | Facebook

Lalo pang nakakabilib si Nhoda dahil sa kaniyang hangarin na maging maayos ang pamumuhay ng kaniyang mga kapwa Pilipino. Balang araw, umaasa siya na sa tulong ng Diyos ay magiging replica na lamang ang mga miniature artwork na ito dahil mas maayos na ang pamumuhay ng mga Pilipino. Nais din niyang makilala at maipagmalaki ang kaniyang pagka-Pilipino sa tulong ng mga artworks na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *