Isang OFW sa Israel Ibinahagi Kung Gaano Siya Kaswerte sa Kanyang mga Amo, Dahilan Para Makapagatayo Siya ng Bahay sa Pinas at Makapag-Travel sa Iba’t Ibang Bansa

Napakaraming mga kababayan natin ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa sa kagustuhan na mabigyan ng maayos na buhay ang naiwang pamilya sa Pinas, o di kaya naman ay dahil sa dito nila nakikita na mas aasenso ang kanilang buhay at mas mabibigyang katuparan anuman ang kanilang pinapangarap.

Masasabi naman natin na ang iba sa ating mga kababayan na naging OFW o Overseas Filipino Worker ay tunay namang nagkaroon ng magandang buhay matapos mag-abroad, lalo na kung sila ay swerteng napunta sa mabubuting mga amo.

Halimbawa na lamang nito ay ang OFW sa Israel na si Russel Gnel Lego na nagtatrabaho bilang caregiver, na kamakailan lamang ay ibinahagi kung gaano siya kaswerte sa kanyang mga amo.

Kuwento ni Russel, siya ay anim na taon at anim na buwan ng nagtatrabaho sa Israel bilang isang caregiver, kung saan ay halos lahat ng trabaho sa loob ng bahay ay sa kanya dahil siya ang nagluluto, naglilinis, naglalaba at minsan ay nagga-garden pa.

Sa kabila ng napakarami niyang trabahong ginagawa, ay nagpapasalamat pa rin si Russel sa kanyang mga amo, dahil sa hinndi maselan ang mga ito at kahit kailan ay hindi nagsabi ang mga ito sa kanya ng mga pwde at hindi niya pwdeng gawin.

Saad pa niya, kung sa iba ay hindi maari ang magluto ng seafoods o baboy, sa bahay ng amo niya ay walang bawal at ito ang isa sa mganagustuhan niya sa mga ito.

Hello po ako po si Russellle isang OFW (caregiver), at single pa dito sa Israel, nakapagpatayo po ng 2 story na bahay sa Pilipinas.

Ako po ay 6 years and 6 months ng nagtatrabaho bilang Caregiver (all around po cooking, housecleaning, washing ng damit bedsheets) minsan nag gagarden pampawala ng inip sa bahay. Nagpapasalamat po ako at ang anak ng mga alaga ko ay hindi maselan never silang nagsabi ng Do this or Do that basta importante malinis maayos at may pagkain nanay nila , at isa pa po sa nagustuhan ko walang bawal sa bahay nila pwede ka magluto ng seafoods at baboy.”

Dagdag na saad pa niya, kapag may naiisipan siyang lutuin at niluluto niya ay nasisiyahan ang kanyang mga amo. Maari din umano siyang magpatulog ng kaibigan sa bahay ng kanyang amo at pwede din silang magparty ng kanyang mga kaibigan o kapwa Pinoy.

“Dito na din po ako natuto magluto at magbake kahit papaanu kase lahat bibilhin nila if may maisipan ako maluto masaya po sila kapag nagluluto me ng iba naman klase, pede magpatulog ng kaibgan pwede magparty kmi ng mga kaibgan kong pinoy minsan sila pa bbli ng inumin very supportive po sila kapag may gathering kami ng mga kaibgan ko.”

Talaga namang napakaswerte ni Russel sa kanyang mga amo, dahil kapamilya ang turing ng mga ito sa kanya. Dahil sa pagiging maswerte niyang makatagpo ng mabuting amo, ay proud na ibinahagi ni Russel na nagawa niyang makapag-travel sa iba’t ibang bansa kasama ang kannyang nanay at napaayos na din umano niya ang kanilang bahay.

Proud din niyang ibinahagi na sa loob ng 6-taon niyang pagtatrabaho sa Israel ay nakabili na siya ng sasakyan at dalawang motor. Sinusuportahan din umano niya ang pag-aaral ng isa niyang pamangkin na kumukuha ng kursong nursing, at mayroon na din siyang hinuhulugang insurance at lupa.

“Ang sarap ng feeling na kapamilya ang turing sayu ng mga amo mo.”

“Masaya po ako at ngayon nakakatravel na ang nanay ko sa ibang lugar minsan ibang bansa ngayon palang kami nagsusukli sa mga taon pagtatatrabaho nya sa amin mula ng bata pa kmi at isa ako sa nagsususport para makapag aral ang aking pamangkin na kumukuha po ng kursong nursing.”

“Sa loob po ng 6 yrs ko sa israel napaayos ko ang bahay ng nanay ko , nakabili din ng saskyan , may dalawang motor na nabili para sa pinsan at pamangkin ko by nextyr po matatapos ko na isang insurance ko at I hope mabayaran ko na din ung lupa na nakuha ko.”

Payo naman ni Russel sa mga kapwa niya OFW, “Tiyaga, tiis, at pasensiya sa lahat at higit sa lahat wag mo icocompare ang sahod mo sa iba ang importante alam mo kung paanu paghahatiin ang sahod mo sa mga bayarin mo.”

Inihayag naman ni Russel ang labis niyang pasasalamat para sa kanyang mga amo na napakabuti sa kanya, at itinuring siyang kapamilya.

Dahil nga sa kabutihan ng kanyang mga amo at sa pagiging supportive ng mga ito sa kanya, ay ilang bansa na ang kanyang narating tulad na lang ng Georgia , Paris France , Switzerland , Italy at Abudabi UAE .

“Salamat sa mga anak ng amo ko na very supportive sa mga project ko po sa Pinas, at ang lagi nila sinsabi magtira ka sa sarili mo wag mo ubusin pera mo para mayron ka madudukot pagdaing ng araw ..sa totoo lang po ng magbukas ako mg bank acct dito at sinabi ko sa kanila ayaw nila gagalawin ang ipon ko kya kapag po alam nila na need ko ng pera pinahihiram ako basta wag lang galawin ang nasa savings ko… Salamat sa Diyos at dito ako napunta sa pamilya na ito.

“Yung pamilya ng amo ko pinapayagan nila akong magtravel sa Europe kaht hiram lang minsan ang pera sa kanila basta mahalaga makapasyal po ako sa iba’t ibang bansa sila ung excited na makapasyal po ako ( Georgia , Paris France , Switzerland , Italy , Abudabi uae )”, kwento ni Russel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *