Isang OFW, Ipinasilip ang Napakagandang Resulta ng Pagpapa-Renovate niya sa Kanyang 44sqm Basic Home na Ngayon ay Nagmistula ng Isang Marangyang Tahanan

Karamihan sa mga magkasintahan o mag-asawa ay talagang prayoridad ang makapaggpundar ng tahanan, para sa kanilang magiging pamilya, kaya naman madalas sa kanila ay pinipiling kumuha ng mga basic house sa mga subdibisyon o di kaya naman ay mga housing developers bilang pagsisimula ng kanilang pagpupundar.

Ngunit batid naman natin, na ang mga basic house sa isang subdibisyon o housing developers, ay talagang kinakailangan pang ipa-renovate ang mga ito, para mas magmistula itong maayos na tahanan para sa isang pamilya. Sa gagawing renovation, ay dito na nakakatulong ang mga contractors, para gawing isang marangyang tahanan ang nakuha mong simpleng tahanan.

Katulad na lamang ng naging pagbabahagi ni Dino Carlo Manalastas Abella sa Facebook group na Home Buddies nito lamang nakaraan, kung saan ay kanyang ipinasilip ang naging napakagandang resulta ng isinagawang renovation sa nakuha nilang raw house ng kanyang fiancée sa APEC Homes.

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Batid naman natin na ang mga raw house na ito sa APEC Homes ay mga simpleng tahanan lamang, ngunit sa tulong umano ng nakuhang contractor nina Dino Carlo, ay nagmistula isang marangyang tahanan ang nakuha nilang raw house. Matapos ang ginawang renovation dito, ay aakalain pa nga na ang tahanan na ito ay matatagpuan sa isang high-end na subdibisyon.

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Tunay na kahit gaano kasimple, kaliit o kalaki ang isang tahanan, ay maari itong magmistulang maganda at marangya, lalo na kung ang tama at mahusay na builders at interior designer ang gagawa nito.
Ayon kay Dino Carlo na isang OFW sa Taiwan, sa kanilang paghahanap ng contractor, ay mapalad sila at nakuha nila ay magaling, dahil sa tulong ng mga ito ay na-achieve nila ang gusto nilang mangyari sa unit na nakuha nila sa APEC Homes.

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Saad pa niya, talagang bumilib siya sa contractor na nakuha nila, dahil sa kabila ng ang unit nila ay mayroon lamang sukat na 44 sqm, ay nagmistula itong malaki at malawak na tahanan. Halos lahat din ng mga espasyo sa tahanan nilang ito ay talagang nagamit, at tunay na naging mas kumportable itong tirhan kumpara sa orihinal nitong hitsura.

Makikita naman sa mga larawan na ibinahagi ni Dino Carlo na ang tahanan na nilang ito ay mayroong minimalistic theme. Mapapansin na nagmukha itong malawak dahil sa malalalapad na white marcle inspired tiles na ikinabit sa flooring nito. Sa kabila din ng hindi ito ganun kalaking tahanan, ay mayroon itong bar sa may dining area.

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Ipinakita din nya ang naging extension ng tahanan nilang ito, kung saan dito makikita ang kanilang modernong kusina at ang kanilang laundry area.

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Sa ikalawang palapag naman makikita ang tatlong kwarto na may magaganda at maaliwalas na disenyo.

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook Group Home Buddies

Ayon naman sa ulat, sa mga nagnanais na magpa-renovate ng tahanan, ay mas mainam na maghanda ng halagang Php1-milyon hanggang Php1.8-milyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *