Isang Netizen, Nakapagpundar ng Pangarap niyang Tiny House sa Nabili niyang Lupa sa Tagaytay na Katas ng kanyang Pagiging Isang Event Sylist  

Bawat pangarap na ating nakakamit sa buhay ay may kanya-kanyang kuwento, sa kung paano natin ito naisakatuparan o ano ang mga ginawa nating hakbang at diskarte sa buhay para lamang makamit ang pangarap nating ito.

Isa sa mga pinapangarap ng marami sa atin ay ang magkaroon ng sarili nating tahanan, ‘yong tipong maliit man ito o malaki, basta’t masasabi nating ito ay atin, kung saan maari nating gawin anuman ang nais nating tema o disenyo nito.

Samantala, ang Facebook community page na Home Buddies ang isa mga paboritong tambayan ng maraming mga netizens ngayon, dahil sa dito ay makakakita tayo ng iba’t ibang mga mga magagandang istilo st disenyo ng tahanan, na may kanya-kanyang kuwento sa kung paano naipatayo ng bawat home owners nito.

Photo credits: Sherlaine Villarta | Facebook Group Home Buddies

Marami na tayong nabasang nakaka-inspire na kuwento ng mga homeowners sa Home Buddies, at ngayon ay isa na namang kapitbahay sa naturang Facebook community ang kamakailan lamang ay proud na ibinahagi ang kanyang naipundar na magandang tiny houses at ang kuwento sa kung papaano niya nabigyan ng katuparan ang pangarap niyang ito.

“Hello virtual kapitbahay isa din po ako silent reader ng HB, share ko lng ung tiny house ko na katas ng pagiging small time event stylist ng batanes, 2018 ng start ako mag accept ng bookings for decorations, souvenir invitation lahat ng may kinalaman sa mga event kinarir ko na,😁 sa una Pamigay promo para makapag endorse at makakuha ng client awa ng Dios unti unti po ako nakilala, hanggat unti unti nakapag ipon at ung pamana sa akin lote ng magulang ko un ang pinatayuan ko ng bahay maliit lng po tlaga cia sama sama na sala kucina, cr at maliit na kwarto.”

Photo credits: Sherlaine Villarta | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Sherlaine Villarta | Facebook Group Home Buddies

Ayon sa naturang netizens na kinilalang si Sherlaine Villarta, base sa kanyang Facebook profile, isa siya sa mga masugid na tagasubaybay sa Home Buddies, kaya naman na-inspire din siya na magkaroon ng sarili niyang tahanan kahit na ito’y maliit lamang.

Photo credits: Sherlaine Villarta | Facebook Group Home Buddies

Nito lamang nakaraan ay proud na ibinahagi ni Sherlaine sa Home Buddies ang kanyang naipundar na tiny house. Saad niya ang tiny house na ito ay katas ng kanyang pagiging isang small time event stylist sa lugar nila.

Makikita sa mga larawan kung gaano kaganda ang tiny house na naipundar ni Sherlaine na katas ng pagiging isa niyang small time event stylist. Ang tiny house niya na ito ay mayroong temang kahoy at puti, kaya naman kahit na ito’y maliit lamang ang mga espasyon ay napakaaliwalas nitong tingnan. Isa pa din sa talagang agaw-pansin dito ay ang floating stairs nito na patungo sa kuwarto.

Photo credits: Sherlaine Villarta | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Sherlaine Villarta | Facebook Group Home Buddies

Mapapasin naman sa mga larawan na walang dining area sa loob ng tiny house, at ayon kay Sherlaine, ito ay dahil sa inilagay niya ang kanyang dining area sa labas kung saan habang nagsasalo-salo sa hapagkainan ay matatanaw ang view ng Tagaytay. Kahit naman maliit ang tahanan na ito ni Sherlaine ay mayroon namang itong sala, kusina, cr at maliit na kuwarto.

“Sa labas ung dining para tanaw ung mala tagay-tagay na view este tagaytay daw😊..”, aniya.

Photo credits: Sherlaine Villarta | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Sherlaine Villarta | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Sherlaine Villarta | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Sherlaine Villarta | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Sherlaine Villarta | Facebook Group Home Buddies

Payo naman ni Sherlaine para sa lahat na nangangarap na magkaroon ng pangarap nilang tahanan, hindi man madali na umpisahan ang bagay na ito, ang mahalaga ay maumpisahan at magtiwala lamang sa Diyos dahil siguradong gagabayan ka niya sa mga bagay na pangarap mo basta’t ito ay iyong pinagsusumikapan.

Dagdag pa niya, naging posible sa kanya ang pagtupad ng kanyang pangarap na sariling tahanan dahil sa kanyang pagtitiwala sa Diyos, na sinamahan pa niya ng sipag, tiyaga at dedikasyon.

“hindi cia madali pero pag na umpisahan mo ng gawin kahit walang wala kana mailabas na pang gastos c God gumagawa ng paraan para ma continue ung mga bagay ng gusto mong tapucin, mag tiwala ka lng sa kanya.. Walang impossible kung malakas ka kay Lord as syempre samahan na din ng sipag, tyaga at dedikasyon, sa ngaun may mga gusto pa po ako gawin at idagdag pero ipon muna ulit para isang bagsakan na lng ang pag gawa.😊”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *