Isang Lalaki Hinangaan sa Social Media Matapos Makapagtayo ng Isang Napakagandang Floating Hotel Mula sa mga Basura na Kanyang Pinupulot

Alam ng karamihan ang kasabihang, “May pera sa basura” at marami na ang mga taong nagpatunay nito sa tulong ng mga bagay at imbensyon na kanilang nagawa. Kakaiba at kahanga-hanga naman ang ginawa ng hotel owner na ito sa mga basurang pakalat-kalat sa kanilang bayan.

Kwento ng may-ari ng hotel na ito na nagngangalang Eric, iniwan niya ang kaniyang sariling bayan noon upang pumunta sa Ivory Coast sa Africa at maghanap ng oportunidad.

Photo credits: Nash Daily | Youtube

Sa kasamaang palad, sa halip na magandang trabaho ay tanging libo-libong basura lamang ang kaniyang nakita sa dalampasigan ng Ivory Coast at sa kalapit nitong dagat. Dito na rin nalaman ni Eric na sa bayang ito, pakalat-kalat lamang ang iba’t ibang basura na hindi nairerecycle.

Photo credits: Nash Daily | Youtube

Ilang taon na rin itong problema ng lugar ngunit walang ideya ang mga taga-roon kung paano ito mareresolba. Dahil dito, ang dating napakagandang beach ng Ivory Coast ay punong-puno na ngayon ng mga basura. Nasisira at dumudumi na rin ang kanilang napakagandang dagat.

Dito na nagkaroon ng ideya si Eric na mangolekta ng mga plastic bottles at gumawa ng isang floating island na mayroong hotel. Talagang naging masigasig si Eric sa pagsasakatuparan ng ideya at plano niyang ito kaya naman agad-agad siyang nagsimula sa pangongolekta ng mga plastic bottles sa dalampasigan ng lugar. Sa huli ay nakalikom siya ng 800,000 na plastic bottles.

Photo credits: Nash Daily | Youtube

Pinagtagpi-tagpi niya ang mga ito hanggang sa naging sapat ito upang lumutang ang kaniyang mga naipatayong mga kwarto. Hindi rin mawawala sa mga hotel ang pool kaya naman kahit napapagitnaan ng napakalawak na dagat ang hotel ni Eric ay nagpagawa pa rin siya ng isang floating swimming pool.

Photo credits: Nash Daily | Youtube

Upang makumpleto naman ang hotel na ito, nagpatayo rin ng isang restaurant at karaoke bar si Eric. Isa rin sa kahanga-hangang feature ng hotel na ito ay maaaring mailipat ang ilang parte o kwarto nito upang makita pa ng mga guests ang iba pang lugar sa Ivory Coast.

Photo credits: Nash Daily | Youtube

Photo credits: Nash Daily | Youtube

Bukod dito, siniguro din ni Eric na talagang eco-friendly ang kaniyang hotel kaya naman naglagay siya ng solar panels at ilang makina na ginagawang pataba ang basura ng hotel.

Photo credits: Nash Daily | Youtube

Talagang napakaraming bagay ang maaaring magawa rito. Maaari ding makapag-enjoy at makapag-relax dito ang mga bisita ni Eric sa halagang $100 lamang. Dahil nga sa kakaibang konsepto ng hotel gayundin sa presyo nito, nagkakaroon sila ng 100 na mga guests bawat linggo.

Photo credits: Nash Daily | Youtube

Dagdag pa rito, marami din ang humanga sa magandang hangarin ni Eric para sa kalikasan kaya naman sa ngayon ay katuwang na niya ang mamamayan ng Ivory Coast sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang lugar.

He Made A Floating Hotel from Trash

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *