Isang Home Owner, Ipinasilip ang Kanyang Ipina-Makeover na Lumang Bodega na Ngayon ay Isa ng Minimalist ngunit Warm and Comfy Tiny House

Agaw-pansin sa social media ang isang napakaganda at cozy na all-white tiny house, at sinong mag-aakala na bago ito naging isang kamangha-manghang maliit na tahanan ay isa pala itong dating bodega.

Photo credits: OG | Youtube

Makikita sa mga larawan kung gaano kaganda at ka-stylish ang cozy all-white tiny house na mayroon pang roof deck, patio na may charming string of lights, at hammock sa may bandang gilid ng nasabing tiny house. Tunay na kaaya-aya at kahit sino ay gugustuhin din na magkaroon ng ganitong tiny house sa loob ng kanilang bakuran.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Ngunit bago ito naging isang cozy all-white tiny ay isa pala itong dating bodega na naisipan lamang ipa-renovate ng may-ari at tunay namang napakaganda ng kinalabasan ng naging pagpapaayos nila ng kanilang dating bodega na ngayon nga ay isa sa mga pinag-uusapan at hinahangaan tiny house.

Photo credits: OG | Youtube

Ang ginawa ng may-ari ng naturang bodega ay pina-maintain lang ang pinaka-istraktura nito, ngunit ito ay kanilang pinaganda at inayos. Pina-finish cement nila ang buong wall nito sa labas at loob at pinapinturahan ito ng puti. Nilagyan din nila ito ng sliding door at window, at mga ilaw sa labas na siyang nagbibigay ng liwanag dito pagdating ng gabi.

Photo credits: OG | Youtube

Dahil sa ang naturang bahay ay wala itong entertaining area sa loob, kaya naman nagpagawa ang may-ari ng extension living room sa may deck nito, kung saan sila naglagay ng upuan, lamesa at bench na perpekto para sa mga bisita.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Talaga namang napaka-cozy ng tiny house na ito, dahil sa pagiging minimalist din nito. Wala itong masyadong mga kagamitan, bagkus tanging mahahalagang gamit lamang, kagaya na lamang ng maganda at kumpotableng higaan na nasa tabi lang ng sofa. Makikita naman ng may naka-install din na T.V sa wall sa may paanan ng tulugan. Tunay namang napakaganda at naaka-stylish ng interior ng tiny house na ito.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Ayon naman sa ulat, ang tiny house na ito na dating bodega, ay maaring umabot sa halagang Php500,000 ang naging renovation cost, lalo na kung mas nais mo pang palawakin ito para sa mga karagdagag feature na nanaisin dito.

Old Bodega Turns Into A Tiny House With Roof Deck | Unique Homes | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *