Isang Anak Ibinahagi ang Napakagandang Tahanan na Naging Bunga ng Sakripisyo at Pagtatyaga ng Kanyang Ina sa Tatlong Dekadang Pagiging OFW

Napakaraming mga Pinoy ang nagtatrabaho sa iba’t ibang mga bansa sa buong mundo, sila ang mga tinatawag nating OFW o overseas Filipino worker. Batid natin na ang kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa ay masasabi nating hindi madali, dahil napakaraming sakripisyo ang kanilang ginagawa, una na sa mga ito ay ang malayo sila sa kanilang pamilya.

Sa kabila naman ng pagiging malayo sa pamilya at kahit na hindi madali ang mamuhay sa ibang bansa, ay masasabi naman natin na maraming mga OFW na talaga namang naging sulit ang mga sakripisyo, dahil sa pagsasakripisyo nilang ito at sa halos ilang taon nilang pagtatrabaho sa ibang bansa, ilan sa mga bagay na kanilang pinapangarap sa buhay ay kanilang naisakatuparan.

Isa sa mga halimbawa nito ay ang napakagandang naging bunga ng naging sakripisyo ng isang ina na ilang dekada na naging OFW sa ibang bansa, at ito ay ang katuparan ng kanyang pangarap na tahanan.
Makikita sa Facebook community na Home Buddies ang naging pagbabahagi ng isang netizens sa tahanan na naipundar ng kanyang ina, at ayon sa kanya ang naturang tahanan ay ang bunga ng halos ilang dekada na pagtatrabaho ng ina niya bilang OFW sa ibang bansa.

“Today has been a very special day for my mom Aida Anthony Nicholls for this day marks a milestone in her life. After working for almost 3 decades as an ofw, It’s the blessing of her newly constructed home.”

Kuwento ng netizens na si Zooey Cumad, base sa kanyang Facebook name, ang kanyang ina ay tatlong dekadang nagtrabaho bilang OFW sa ibang bansa. Ang napakagandang tahanan na kanyang ibinahagi ay ang siya umanong bunga ng pagsisikap at pagtatrabaho ng kanyang ina.

Photo credits: Zooey Cumad | Facebook Group Home Buddies

“It has been 5 or 6 years when she finally started saving for her dream home and last year she was able to purchase a lot back in our province in Negros Occidental.”

Photo credits: Zooey Cumad | Facebook Group Home Buddies

Ibinahagi din niya na ilang taon ding pinag-ipunan ng kanyang ina ang magiging budget para sa dream house nito, kaya naman tunay na kaligayahan ang nadarama ng kanyang ina ngayon na naitayo na nito ang kanyang napakagandang pangarap na tahanan sa lupang nabili niya sa kanilang probinsya sa Negros Occidental.

Photo credits: Zooey Cumad | Facebook Group Home Buddies

Ayon pa kay Zooey ang kanyang kapatid na si Carlo Colmenares ang nagdisenyo ng kabuuan at namahala nung mga panahong itinatayo at ginagawa pa lamang ang tahanan ng kanilang ina. Proud din niyang ibinahagi na dahil sa pagtutulungan ng kanyang ina at kapatid ay naging posible ang lahat, lalo na ang naging napakagandang resulta ng pangarap na tahanan ng kanilang ina.

“Then early this year with the help of my brother Carlo Colmenares who designed the whole house and supervised during the construction process, they were able to compelete most of it. This did not happen overnight I know how my mother and brother worked seflessly day and night to make this dream home possible. With God’s help it is now here.”

Sa huling bahagi naman ng FB post ni Zooey, ay isang bible verse ang kanyang ibinahagi, at ito ay ang,

“When the time is right, I the Lord, will make it happen” na mababasa sa Isaiah 60:22, na tunay namang totoo at nangyayari sa bawat buhay ng tao.”

Photo credits: Zooey Cumad | Facebook Group Home Buddies

Tunay naman na anuman ang iyong nais, ibibigay ito ng Diyos sa tamang panahon, lalo na kapag batid niyang ito ay iyong pinaghirapang makamtan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *