Green Tiny House Agaw-Pansin Dahil sa Maaliwalas Nitong Disenyo, Modernong Interior at Napakagandang Kapaligiran

Marami sa atin ay nangangarap na magkaroon ng sariling tahanan ang iba ay pangarap ang magarbo at malaking tahanan, may iba naman na tanging pangarap lamang ay ang magkaroon ng tahanan kahit na maliit pa ito basta’t ito ay maaliwalas tirhan.

Sa pagbuo ng pangarap na tahanan, ay tunay na mahalaga ang pagkakaroon ng ‘budget’, kaya naman madami ang mas pinipili muna ang magkaroon ng simple, maliit ngunit napakaaliwalas na tahanan, dahil sa ito ang mas pasok sa kanilang kakayanan.

Ang ibibida naman natin ngayon ay isang tahanan na bagama’t maliit ay tunay namang gugustuhing tirhan ng sinoman dahil sa pagiging maaliwalas nitong tingnan, lalo na’t ito ay napipintahan ng kulay berde.

Tunay na napakagandang pagmasdan ng kulay berdeng pinta ng tahanan na ito, dahil sa nagbigay ito ng nakaka-relaks na kapaligiran, idagdag pa ang pagkakaroon ng nakakamanghang disenyo sa balkonahe ng tahanan na ito na gawa sa kawayan. Mas lalo pang naging maaliwalas ang tahanan na ito dahil sa mga luntian at malalagong halaman na nakapaligid dito.

Tila napakasarap talagang tumambay sa balkonahe ng tahanan na ito, dahil ang sariwang hangin ang malalanghap mo at ang masisilayan mo ay ang magandang kapaligiran na nakapaligid dito. Makikita na sa balkonahe ng tahanan na ito ay mayroong dalawang pares ng movable outdoor chair, na napakasarap tambayan lalo na kapag umaga habang nagkakape o di kaya naman ay sa gabi habang nagmumuni-muni at tumitingin sa mga bituin.

Kung nakamamanga at tunay na kaaaya-aya sa mata ang exterior design ng tahanan na ito, ay mapapa-ibig din ang sinoman sa exterior design nito, kung saan ang mga dingding nito ay napipintahan ng beige color na binagayan naman ng vinyl floor at wood ceiling.

Dahil sa maliit lamang ang tahanan na ito, ay wala na itong mga dibisyon, pagpasok pa lamang ay agad ng makikita ang kusina nito, isang maliit round table na may dalawang upuan na tila nagsisilbing dining area, isang sofa bed, at ang kama na tila nang-aanyayang higaan dahil sa bed sheet nito na may patterned green ang kulay. Maging ang banyo ng tahanan na ito ay hindi rin nagpahuli sa pagka-modernong disenyo.

Bagama’t maliit ang tahanan na ito, ay tunay na magandang inspirasyon at ideya ito para sa mag-asawang nagnanais na magkaroon ng simple at sariling tahanan.

Maari din itong maging inspirasyon sa mga gusting magpatayo ng maliit na resthouse o bahaybakasyunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *