‘Bilang eldest naging goal ko po ang magkaroon kami ng sariling bahay’ Isang OFW na Panganay sa Magkakapatid Ibinahagi Kung Paano Niya Na-achieve ang Goal Niyang Bahay Para sa Kanyang Pamilya

Isang netizens ang nagbahagi sa Facebook na Home Buddies ng kanyang naging journey sa kung paano niya naisakatuparan ang ‘goal’ niyang mabigyan ng maayos at magandang bahay ang kanyang pamilya. Ang netizens na ito ay kinilalang si Lhorie Leigh, base sa kanyang Facebook name, at siya nga ay isang OFW.

Makikita sa naging Facebook post niya ang pagbibida niya ngayon sa napakagandang tahanan na naipundar niya para sa kanyang pamilya, kalakip nito ay ang kanyang ‘long post’, kung saan ikinuwento niya kung paano niya na-achieve ang makapagawa ng ganito kaganda at kalaking bahay.

Year 2014 noong umalis po ako ng Pinas para makipagsapalaran magwork sa Taiwan. Ever since napadpad ako sa Manila nagrerent na talaga ng bahay sina Mama ko. Kaya bilang eldest naging goal ko po ang magkaroon kami ng sariling bahay.”

Ani Lhorie Leigh sa unang bahagi ng kanyang post, taong 2014 ng maging isang OFW siya, kung saan nakipagsapalaran siya sa bansang Taiwan. Saad pa niya, nakagisnan niya na ang kanyang mga magulang ay nangungupahan, kaya naman bilang panganay na anak ng mga ito ay naging ‘goal’ niya sa buhay na makapagpagawa ng bahay na sarili nila.

“2017 nung umuwi ako from my first term contract. Wala po halos ako naipon nun dahil naglending po ako para sa aking placement fee so mga 14months ko yun bago natapos bayaran. But luckily, lampas lang ng isang buwan pagkauwi ko nakaalis po ulet ako pa.taiwan. Kahit ako, di makapaniwala na posibleng ganun kabilis pwede ulet makaalis. Sabi nga ng brother ko, siguro ang ‘calling’ ko o tinatawag nilang swerte ay nasa ibang bansa.”

Taong 2017 ng matapos ang kontrata ni Lhorie Leigh sa unang beses na pag-a-abroad niya, ngunit sa panahon nga na ito ay wala pa umano siyang naipon dahil na rin may binayaran siyang lending na ginamit niya noong bago siya umalis para sa kanyang placement fee.

Ngunit tila nga kapalaran na niya ang mangibang-bansa, dahil wala pa halos isang buwan mula ng siya ay nakauwi sa Pinas, ay muli na naman siyang nakaalis patungong Taiwan. Tunay na ipinagpapasalamat niya ito, dahil aminado siya hirap siyang makahanap ng trabaho sa Pinas.

Sa pagbabalik niya sa Taiwan, ayon kay Lhorie Leigh dito na nagsimula ang pagtuloy ng biyaya sa kanilang buhay. Nakakuha sila isang foreclose property noong taong 2019, nung manalo ang kanyang ina sa bidding at ito ay ipinasok nila sa PAG-IBIG.

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Buwan ng Pebrero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon ng ginawa ang bahay, at ngayon nga ay maari na nila itong lipatan.

So ayun na nga… nagtuloy tuloy na. Taong 2019 nakakuha po kami ng isang foreclosed property, nung manalo sila mother ng bidding then ipinasok nila ito thru PAG.IBIG. Nagsimula kami noon makapagpabakod pero dahil nagka.pandemic nahinto ng ilang taon. At nito ngang naging okay na ang lahat inumpisahan na po ang construction ng bahay. From February to June 2022 siya ginawa. Plan na pong lipatan ang bahay last month (August) kaso pinapaniwalaang di raw maganda kasi sabi po nila ‘ghost’ month daw.”

Masaya namang ibinahagi ni Lhorie Leigh na noong ika-1 ng Setyembre ay pina-blessing na ang kanilang bahay. Sobra din ang kanyang naging pasasalamat sa Diyos dahil sa lahat ng biyaya at provision nito sa kanyang buhay.

“At ngayong 1st of September nga, nakapagpa.blessing nadin sa wakas.
I must say, thank you Lord for all the blessings and provision. ”

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

May payo naman si Lhorie Leigh para sa mga kapwa niya OFW, Kaya sa mga kapwa ko OFW, tiwala lang na magagawa din natin maisakatuparan ang mga pangarap natin sa buhay na di natin sukat akalain na matutupad…kailangan lang natin maging masipag, matiyaga, at patuloy na magtiwala sa Kanya .At higit sa lahat maging mapag.impok. Paluguran din ang sarili pero wag sobra sobra.

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Ayon pa kay Lhorie Leigh hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakaya niyang magpagawa ng bahay na siya lang mag-isa. Ibinahagi naman niya na ang kanyang ibang kapatid ang sumagot sa kagamitan sa bahay at nagbayad ng monthly ng lupa na kinatitirikan nito.

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Makikita naman sa mga larawan na ibinahagi ni Lhorie Leigh kung gaano kaganda ang bahay na naipundar niya, kung saan ito ay mayroong temang White and Gray. Dagdag pa niya ang interior design ng bahay nila ay ideya niya at kinuha niya ito sa pinteres at ang iba ay inspired naman ng home buddies.

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Home Buddies Facebook Group

Wala po kaming engineer, yung interior design namin kinuha ko lang po sa pinterest at inspired by home buddies yung mga ideas. Thank you sa group na ito mas lalo po akong na.inspire na magkaroon ng ‘aesthetics’ yung house namin. ”

Manifesting that dream really do come true…at isa po ako sa patotoo. Kaya kung kaya ko, kaya niyo din po. At may mga bagay na binibigay sa atin sa tamang panahon, ang kailangan lamang ay maghintay tayo (syempre may kasamang kilos po na pag.aantay) ”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *