Batang Aktres na si Karina Bautista Naging Emosyunal Matapos niyang Ipasilip ang Kanyang Naipundar na Lupain na Bunga ng Kanyang Pagsusumikap

Napakasarap sa pakiramdam kapag mayroon tayong mga bagay na pinapangarap sa ating buhay ang ating nabibigyan ng ng katuparan, lalo na kapag ang mga ito ay katas ng ating pagsusumikap.

Samantala, isa sa mga batang aktres sa mundo ng showbiz ang ngayon ay labis ang kasiyahan at galak na nararamdaman, matapos niyang matupad ang isa sa mga pangarap niya para sa kanyang sarili at ito ay ang makapagpundar ng lupain.



Proud at masayang ibinahagi ng aktres na si Karina Bautista sa kanyang Instagram ang katuparan ng kanyang pangarap, at ito ay ang lupain na kanyang nabili na katas ng kanyang pagtatrabaho sa showbiz. Makikita sa Instagram post niya ang larawan kung saan siya ay nakatayo sa isang bakanteng lote.

Photo credits: Karina Bautista | Youtube

“She believed she could, so she did”, ito ang naging panimulang bungad ni Karina sa caption ng kanyang IG post. Tila ito ay mensahe niya sa kanyang sarili, matapos nga niyang makabili ng pangarap niyang lupain dahil sa paniniwala niya sa kanyang sarili.

Makikita pa sa ibinahaging larawan ni Karina na ang lupain niyang ito ay puno pa ng mga damong ligaw at mga puno ng saging, ngunit ito ay mayroon ng bakod na tila nagpapahiwatig na isa na itong private property.



Photo credits: Karina Bautista | Youtube

Ayon kay Karina, saksi sa mga naging pagsisikap niya at mga naging hakbang niya para maabot ang mga narating niya ngayon, ang kanyang mga kaibigan. Dagdag pa niya, madalas siyang sinasabihan ng mga kaibigan niya na magpahinga paminsan-minsan, ngunit madalas niyang sinasabi sa mga ito na kaya pa niya.

“But only a few of my friends and family has truly seen how I pushed myself every single day for this pic. Lagi nilang sinasabi huy kare uso magpahinga pero ang sagot ko, hindi ok lang saka na,” ani Karina.

Photo credits: Karina Bautista | Youtube

Batid naman ni Karina na lahat ng mga biyayang natatanggap niya sa kanyang buhay ay sa Itaas nagmula, kaya naman talagang malaki ang kanyang pasasakamat sa Poong Maykapal, dahil halos lahat ngmga inaasam-asam lamang niya noon ay nangyayari na ngayon sa buhay niya.

“Kaya every after work sinasabi ko uy ginalingan ko today, kahit mahirap kinaya ko yun! And dinadasal ko, Lord kita mo naman yun no? Ako na dito, Ikaw na diyan! And finally everything is falling into place,” ani Karina.

Photo credits: Karina Bautista | Youtube

Ilan naman sa mga kaibigan ni Karina, tula nina Kate Alejandro, Argel Saycon at Miko Raval ang nagpaabot ng pagbati at pagiging proud sa kanya dahil sa mga naabot niyang pangarap.



Photo credits: Karina Bautista | Youtube

Tunay ngang ang ating mga pangarap ay posible nating makamit sa buhay, basta’t patuloy lang tayong magsumikap, maniwala sa ating sariling kakayahan, at siyempre ang pinakamahalaga ay ang huwag tayong makalimot na humingin ng gabay at patnubay sa Poong Maykapal.

KB Vlog 4: The Land of My Dreams!