Bahay ng Mag-asawa na Naluma Na at Matagal ng Napabayaan sa Probinsya, Nagmistulang Bagong Gawang Bahay Matapos Itong Ipaayos at Iparenovate ng Kanilang Anak

Sa buhay ng mag-asawa, isa sa mga pinapangarap nila ay ang magkaroon ng maayos at magandang tahanan para sa kanilang binuong pamilya. Ngunit minsan ang pangarap na ito ay naisasawalang bahala na, lalo na kapag mayroon ng mga anak ang mag-asawa, dahil sa mas binibigyan na nila ng prayoridad ang pagpapalaki at pagbibigay ng maayos na buhay at edukasyon sa kanilang mga anak.

Halimbawa na lamang nito ay ang isang Facebook post sa Home Buddies nito lamang nakaraan na ibinahagi ng isang anak sa kung ano ang naging sakripisyo ng kanyang mga magulang sa kanilang magkakapatid, kung saan hindi na nga umano napaayos ng magulang nila ang kanilang tahanan sa probinsya ng Nueva Ecija dahil sa mas binigyang prayoridad ng mga ito ang edukasyon nila.

“76 years old na ang tatay ko at 72 years old ang Nanay. Simpleng buhay lang gusto nila buo ang pamilya at mapag tapos ang 3 anak nila sa hirap at ginhawa magkasama sila nasaksihan namin kung ano ano paraan ginawa nila para makaraos sa buhay pinanganak silang mahirap kaya kailangan magsikap, hindi pa sumisikat ang araw wala na si Nanay sa higaan para mag lako ng kanyang mga paninda, si tatay naman walang umaga walang gabi kailangan mag trabaho wala na kasing matitira sa sueldo nya kasi na loan na lahat para sa pangangailangan sa bahay at pambayad ng tuition namin.”

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Ayon sa nagpost na si Maria Victoria Evangelista, ang kanyang mga magulang ngayon ay pareho ng matanda, kung saan ang kanyang ama ay nasa edad 76 na samantala nasa eda 72 naman ang kanyang ina. Kuwento niya, simpleng buhay lamamng ang nais ng kanyang mga magulang, basta’t magkasama sila, buo ang kanilang pamilya at mapagtapos silang magkakapatid ay masaya na ang mga ito.

Hindi mayaman ang kanyang mga magulang, kaya naman para makaraos sa buhay ay nakita nilang magkakapatid ang naging hirap at pagsisikap ng kanilang mga magulang para magkaroon sila ng maginhawang buhay. Saad pa niya, ang kanyang ina ay maaga pa lamang ay naglalako na ng paninda, at ang kanya namang ama ay halos magdamag ding kumakayod, dahil sa halos wala ng natitirang sahod gawa ng na loan na lahat na ginamit pambayad sa tuition nilang magkakapatid at sa ibang pangangailangan nilang pamilya.

Pagbabahagi pa ni Maria Victoria, dahil naging prayoridad at mas binigyang importansya ng kanyang mga magulang ang kinabukasan nilang magkakapatid, ay naglaho na ang pangarap ng mga ito na magkaroon ng magandang bahay.

“Hindi bale ng hindi maganda ang bahay basta ang importante para sa kina bukasan naming mga anak nila, yung pangarap nilang magkaroon ng magandang bahay naglaho na. Mas priority nila ang kanilang mga anak”, saad pa niya.

May mga pagkakataon pa rin umanong sumasagi sa isip ng kanyang mga magulang sana bago sila mawala sa mundo ay maipaayos nila ang kanilang tahanan sa probinsya na naiwan at naabanduna nila, ito ay matapos nilang magdesisyon na manirahan sa Davao.

“Pero sumagi parin sa isipan nila na sana bago manlang sila mawala sa mundo maipa ayos nila ang bahay na matagal na nilang naiwan sa Probinsya magmula ng tumira kami sa davao naiwan na ang bahay nila sa Probinsya matagal na ding panahon na abandona ang bahay na ito ngunit may mga panahong naaalala nilang balikan ang lugar saan sila nagsimula.”

Samantala, bilang ganti at pasasalamat na din sa kanyang mga magulang sa lahat ng sakripisyo ng mga ito sa kanilang magkakapatid, ay ipinagawa niya naiwang bahay ng mga ito sa probinsya.

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Noong buwan ng Hunyo taong 2022 ay umuwi silang pamilya sa Nueva Ecija, ay dito ay nagdesisyon siyang ipagawa ang naiwang bahay ng kanyang mga magulang bilang birthday gift na din niya sa kanyang ama.

Matapos nga ang limang buwan, heto na at makikita ng ang dating luma at naabandunang bahay ng kanyang mga magulang, ay nagmistulang ng isang bagong tayo na bahay dahil sa napakagandang disenyo at pagkakapintura nito.

“Kaya lang may babalikan pa kaya sila? eto po ang bahay nila na naiwan ng matagal na panahon June of 2022 umuwi kami sa Nueva Ecija at nag decide ako na ipagawa ito para sa birthday nya after 5 months ito na po. Natupad na po Pangarap ni Tatay.
Happy 76th birthday Fader! Salamat sa pagmamahal at sakripisyo mo sa amin.”

Makikita sa mga larawang ibinahagi niya ang naging napakagandang transpormasyon ng lumang tahanan ng kanyang mga magulang at ang isang larawan kung saan naman ay makikita ang mga ito na nakangiti habang nakatayo sa magarbong gate ng kanilang tahanan.

Sa huli ay ibinahagi niya na tila ginanahan na ang kanyang ama na manirahan sa Nueva Ecija dahil sa napakaganda na nilang tahanan dito, at ayaw na umano nitong bumalik sa Davao.

“P.S sa ngayon magmula ng umuwi sya sa Nueva Ecija ayaw na nya bumalik sa davao naganahan na yata sa bagong bahay nya.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *