Bahay na ang Kalahati ay Gawa sa Konkreto at ang Kalahati naman ay Gawa sa Amakan Naging Agaw Pansin Dahil sa Napakagandang Pink Accent Nito

Madalas tayong nakakakita ng mga kubo na siple lamang at gawa sa mga katutubong materyal, tulad ng nipa, kawayan at amakan.

Sa panahon ngayon, ay nakakakita pa din tayo ng mga kubo o katutubong tahanan, na gawa pa rin sa mga materyal gaya ng amakan, ngunit mas moderno na ang mga ito, tulad na lamang ng isang bahay kubo na ibibida natin ngayon, na bagama’t ito ay makikitang gawa sa amakan, ay nging kaaya-aya naman itong tingnan dahil sa pink na accent nito.

Tulad ng ilang nakikita nating mga baha-kubo, ang kubo na ito ay mayroon ding terrace, maaliwalas na kusina at hapagkainan. Kahit na bai to ay gawa sa amakan, ay hindi naman naging hadlang sa naninirahan dito na gawin itong isang kaaya-ayang tahanan, matapos niyang lagyan ng pink accent ang kubong ito.

Kahit na isang katutubong tahanan ito, sinigurado naman ng naninirahan dito na ang kubo na ito ay matibay at magtatagal, kaya naman ginawa niya itong half-concrete at half-amakan na kubo. Kahit ang kubo ay gawa sa kalahating kongkreto, ay makikita pa rin naman dito ang orihinal nitong hitsura.

Sa kabila naman ng pagiging kubo nitong tingnan sa labas, ay magmimistula itong modernong tahanan sa loob, dahil sa pagka-double walling nito, idagdag pa ang ikinabit sa dingding nito na mga wallpaper na nagbigay dito ng buhay at ganda.
Makikita din na ang sahig ng kubo na ito ay mayroong linoleum na may disenyong kahoy.

Isa pa din sa agaw-pansin sa kubo na ito ay ang kulay ng wallpaper na napiling idikit sa dingding nito, na talaga namang napaka-eye catching kaya naman, kaya naman mapapansin agad ito ng kung sinomang papasok sa tahanan na ito.

Samantala, sa likod na bahagi naman ng kubo na ito makikita ang kusina nito na mayroong singleline-countertop. Napipinturahan naman ng pink ang dingding ng kusina at mapapansin ang mga cabinet nito sa may countertop.

Maging sa kuwarto ng kubo na ito ay may kakikitaan ng kaaya-ayang kulay, dahil ang sapin ng higaan at kurtina nito sa bintana ay kulay pink.

Tunay namang kahit simple at maliit na tahanan ay maaring maging kaaya-ayang tirhan, tulad na lamang ng kubo na ito na nakakaaliw ang pink na tema.
.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *