30-Taon Gulang na Binata, Nakapagpatayo ng Kanyang Pangarap na Bahay na Katas ng Kanyang Kinikita sa Pag-oonline Selling

Sabi nga nila basta’t mayroon kang sipag, tiyaga at diskarte sa buhay ay posibleng makamit mo ang lahat ng mga bagay na iyong pinapangarap. Tunay din na wala sa edad ang pagiging matagumpay, dahil ang tagumpay at maaring mong makamit sa kahit anong edad.

Halimbawa na lamang nito ay ang nakaka-inspire na kuwento ng tagumpay sa buhay ng 30-taong gulang na binata, na nakapagpagawa ng kanyang dream home dahil sa kanyang sipag, tiyaga at diskarte sa pagtitinda online.

“Blessed and Beyond Grateful -Single @30

Hard work Pay’s Off..Sulit bawat Pagod at Puyat ko sa pagonline Selling mapagawa ko lang ung dream home ko..”, unang saad niya sa kanyang Facebook post sa group community page na Home Buddies.

Photo credits: Robin Rodelas | Facebook Group Home Buddies

Ayon sa binata, siya ay 30-taong gulang na at nanatiling single pa, sa kabila nito, ay masasabi naman niyang masaya ang buhay niya, dahil sa halos lahat ng mga pinapangarap niya ay nabigyan na niya ng katuparan, kabilang na dito ang kanyang dream home.

Photo credits: Robin Rodelas | Facebook Group Home Buddies

Kuwento niya, ang dream home niyang ito ay katas lahat ng pagod at pagpupuyat niya sa kanyang pag-o-online selling. Ibinahagi din niya na halos 2-taon din ang naging pagpapagawa niya ng dream home niyang ito, bago ito tuluyang natapos, at sa ganda ng resulta ay talaga namang masasabi niya na ‘worth it’ ang naging paghihntay niya.

“2 years in the Making ,pero worth it ung paghahantay”, saad niya.

Sa mga larawan na kanyang ibinahagi, ay makikita na ang dream home niyang ito ay isang 2-story home na mayroong modernong disenyo. Mula sa bakuran nito na naka-landscape ang mga pananim at mayroon pang swimming pool, ay tunay namang hahangaan talaga ang tahanan na ito. Mapapansin din ang tila isang groto sa may bakuran ng tahanan na ito.

Photo credits: Robin Rodelas | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Robin Rodelas | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Robin Rodelas | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Robin Rodelas | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Robin Rodelas | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Robin Rodelas | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Robin Rodelas | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Robin Rodelas | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Robin Rodelas | Facebook Group Home Buddies

Ang bawat bahagi ng naturang tahanan ay tunay namang napakaganda, dahil na din sa mga magagandang furnitures at appliances, tulad na lamang ng sa living area, dining area at kitchen. Makikita din sa mga larawan kung gaano kaganda ang mga bathroom at bedroom ng tahanan na ito.

Photo credits: Robin Rodelas | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Robin Rodelas | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Robin Rodelas | Facebook Group Home Buddies

Pagbabahagi naman ng binata halos bawat bahagi ng kanyang dream home ay ‘mostly inspired’ ng Home Buddies, kaya naman pinasalamatan niya ang mga kapitbahay sa naturang Facebook community dahil sa mga ibinabahagi ng mga ito na magagandang inspirasyon at disenyo.

“Mostly Inspired by home buddies Salamat mga kapitbahay nakakuha ako ng magaganda insipirasyon ng design ”, saad niya.

Photo credits: Robin Rodelas | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Robin Rodelas | Facebook Group Home Buddies

Kinilalang ang binata na nagmamay-ari ng napakagandang tahanang ito, na si Robin Rodelas, isang masipag at madiskarteng online seller.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *