Connect with us

Entertainment

“So Pogi” 2-Months Old Baby ni Smokey Manaloto Pinagkaguluhan Dahil sa Labis Nitong Kakyutan

Usap-usapan at pinagkaguluhan kamakailan lamang sa social media ang anak ni Smokey Manaloto, ito ay matapos magbahagi ng aktor-komedyante sa kanyang Instagram account ng pinakabagong larawan niya kasama ang anak niyang tinatawag niyang si ‘Smo-Kiko’.

Noon lamang nakaraang araw ng Miyerkules, ika-5 ng Oktubre ay makikita ang pag-post ni Smokey sa kanyang Instagram ng larawan niya kasama ang 2-months old baby niya. Sa naturang larawan ay makikita ang napaka-kyut na larawan ng anak ni Smokey.

Kalakip ng naturang larawan na ito na ibinahagi ni Smokey ay ang naging pasasalamat niya dahil sa ang pagdating ng kanyang anak sa buhay niya ang itinuturing niyang maagang Christmas Gift sa kanya ng Diyos.

Photo credits: Smokey Manaloto | Instagram

“Smo-Kiko. Lord… maraming salamat po sa Christmas Gift na binigay niyo po sa akin nung August 4”, ang naging saad ni Smokey sa caption ng larawan niya kasama ang anak.

Sa caption ni Smokey ay isinaad niya rin ang araw ng kapanganakan ng kanyang anak. Ayon sa aktor, isinilang noong ika-4 ng Agosto ang anak niyang si Smo-Kiko, kaya naman ngayon ay nasa dalawang buwang gulang na ito.

Photo credits: Smokey Manaloto | Instagram

Dahil sa taglay na kakyutan ng anak ni Smokey, na napakatangos ng ilong at napakaputi pang bata, ay marami ang agad na humanga rito. Karamihan sa mga nagbigay komento at nagpabatid ng kanilang paghanga sa labis na kakyutan ng sanggol ay ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz at mga celebrity. Maging mga netizens ay tunay na humanga sa kakyutan at kagwapuhan ng anak ni Smokey.

Photo credits: Smokey Manaloto | Instagram

Photo credits: Smokey Manaloto | Instagram

Ilan sa mga showbiz personality na nagbigay ng papuri sa super poging anak ni Smokey ay sina Ariella Arida, Ara Mina, Cai Cortez, Maui Taylor at iba pa.

Maging si Almira Muhlach ay nagkomento din sa post ni Smokey, kung saan kanyang pinuri ang kagwapuhan ng anak ng aktor. Pagbibiro pa ni Almira, na kailangan umanong ligawan ng anak ni Smokey ang kanyang anak na babae kapag ito ay nasa 14-taong gulang na.

Photo credits: Smokey Manaloto | Instagram

Samantala, matatandaan na noong buwan ng Agosto ilang linggo lamang matapos na maisilang ang kanyang anak, ay agad na pina-blessed ni Smokey kay Bishop si Smo-Kiko, at ito ay makikita sa isang short video na ibinahagi niya sa kanyang Instagram.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Smokey Manaloto (@smokey_manaloto)

Matatandaan na noong buwan ng Agosto ng kasalukuyang taon ay naging trending na usapin si Smokey Manaloto, ito ay matapos niyang i-welcome sa kanyang buhay ang panganay niyang anak sa edad niyang 51-taong gulang. Hanggang sa kasalukuyan naman ay hindi pa ipinapakilala ni Smokey sa publiko kung sino ang kanyang partner na siyang ina ng kanyang anak, pero tila ito ang madalas niyang itina-tag sa kanyang mga IG post.

error: Content is protected !!