Single Mom Proud na Ibinahagi ang Naipundar Niyang Napakagandang Tahanan sa Kabila ng Mag-Isa Niyang Itinaguyod ang Apat Niyang Anak na Lalaki

Dahil nalalapit na ang kapaskohan, kung saan ilang buwan na lamang ang bibilangin ay Disyembre na at Pasko na, ay talaga namang marami sa atin ang abalang-abala na sa paglilinis, pag-aayos at paglalagay ng dekorasyon sa loob at labas ng ating tahanan, ito ay sa kadahilanang upang maaga pa lamang ay madama na natin ang diwa ng kapaskohan.

Sa Facebook group na Home Buddies ay ilan na sa ating mga ka-home buddy ang nagbahagi ng kanilang mga tahanan na may mga dekorasyon na ng pasko, at minsan kalakip pa ng mga ibinabahagi nilang larawan ng kanilag tahanan ay ang puno ng inspirasyon na kuwento ng kanilang buhay at kung paano nila tagumpay na nakamit ang pangarap nilang tahanan para sa kanilang pamilya.

Photo credits: Exor Yexor | Facebook

Halimbawa na lamang nito ay ang isang single mom na nito lamang nakaraan ay buong pagmamalaking ibinandera sa Facebook group na Home Buddies ng naipundar niyang napakagandang tahanan. Talaga namang itio ay kanyang ipinagmamalaki dahil sa kabila ng pagiging isa niyang ‘single mom’ sa apat niyang anak na lalaki, ay nagawa niyang makapagpundar ng isang simple, maganda at maayos na tahanan para sa mga ito.

Photo credits: Exor Yexor | Facebook

Batid natin na hindi madali ang maging isang ‘single mom’, lalo na kung apat ang anak na kinakailangan mong itaguyod at bigyan ng maayos na buhay. Sa kabila ng hindi pagiging madali ng ganitong buhay, ay napagtagumpayan naman itong makaya ng single mom na may Facebook name na si Exor Yexor.

“Our simple home…single mother of 4handsome boys…ngaun lng ulit Ng enjoy mglinis at mag ayos Ng Bahay thank you LORD naitaguyod ko Ang 4 Kong anak sa tulong ni LORD matapang na hinarap at dinaanan ang hamon Ng buhay natuto at tumatag sa patong patong na pag subok na nag daan ngunit kaylan man ay Hinde ako bumitaw dahil lubos akong pinagpala sa 4 Kong mga anghel na kaylan man ay Hinde ko susukuan babangon at babangon at patuloy n manga ngarap at mananalangin na bigyan sila Ng maganda mapayapa at masaganang buhay.. Di na tumutulo Ang bahay natin mga anak… ”

Sa ibinahagi ni Exor Yexor sa Home Buddies ay makikita ang napakaganda at simple niyang tahanan na ngayon ay puno na rin ng mga dekorasyon para kapaskohan.

Photo credits: Exor Yexor | Facebook

Photo credits: Exor Yexor | Facebook

Photo credits: Exor Yexor | Facebook

Photo credits: Exor Yexor | Facebook

Photo credits: Exor Yexor | Facebook

Photo credits: Exor Yexor | Facebook

Photo credits: Exor Yexor | Facebook

Photo credits: Exor Yexor | Facebook

Photo credits: Exor Yexor | Facebook

Photo credits: Exor Yexor | Facebook

Kalakip ng mga larawan ay ang naging pagbabahagi niya kung paano niya kinaya na maitaguyod ang apat niyang anak na lalaki at mabigyan ang mga ito ng maayos na tahanan sa kabila ng pagiging mag-isa niya sa lahat ng resposibilidad.

Photo credits: Exor Yexor | Facebook

Photo credits: Exor Yexor | Facebook

Pagbabahagi pa niya, nakaya niya ang lahat ng hamon sa kanyang buhay dahil sa at patuloy na pagtitiwala niya sa Diyos at mas lalo pa umano siyang pinagpala dahil sa apat niyang anghel na kailanman ay hindi niya naisip sukuan bagkus ay naging lakas pa niya para sa pagtupad ng lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay.

Photo credits: Exor Yexor | Facebook

Photo credits: Exor Yexor | Facebook

Bakas naman sa mensahe ni Exor Yexor sa kanyang Facebook post sa Home Buddies kung gaano siya kasaya at ka-proud na ngayon ay sa isang maayos at magandang tahanan na sila naninirahan ng kanyang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *