Simpleng Tahanan na Gawa sa Kahoy at May Isang Silid-Tulugan Tunay na Napakasarap Tirhan Dahil sa Napakaganda Nitong Kapaligiran

Isang magandang ideya sa pagbuo ng isang one bedroom house ang pag-upgarde ng disenyo nito, mapaloob o labas man, upang mas maging kaaya-aya nga itong tirhan. Samantala, ganito ang na-achieve ng isang simple at maliit na bahay na ibibisa natin ngayon, na maliban sa pagakakaroon niya ng magandang disenyo, ay napakaganda din ng tanawin na nakapaligid dito.

Ang one bedroom house na ito, ay napipinturahan ng brown na talagang nag-stick sa natural na kulay ng kahoy na ginamit sa pagbuo nito. Mayroon itong balkonahe na tunay na kaaya-ayang tambayan, dahil mula rito ay matatanaw mo ang magandang kapaligiran na mayroon sa paligid ng mismong bahay.

Magandang tuluyan ang mga ganitong uri ng bahay, lalo na kapag panahon na ng tag-init o ‘summer season’, dahil talaga namang sariwang hangin ang pumapasok dito.

Mapapansin naman sa bahay na ito, na ang bubong nito ay gawa sa GI sheets, na mas tumatagal at matibay naman talaga kumpara sa mga native materials.

Makikita din ang pagkakaroon nito ng balkonahe, na nakaragdag sa appeal nito bilang isang bahay, kung saan sa bahagi na ito maaring mag-entertain ng bisita o di kaya naman ay mag-relaks at magpahangin habang nag-e-enjoy sa pagkakape at pagtanaw sa magandang tanawin.

 

Kung pagmamasdan ay talaga namang napakaliit lamang ng bahay na ito, ngunit sa kabila nito ay napakaganda naman nito at maaring maging silungan o tirhan. Ang mga ganitong klase ng tahanan na mayroong isang silid-tulugan, ay bagay na bagay sa mga mag-asawa na nagsisimula pa lamang. Maari rin namang lagyan ng extension ang mga ganitong bahay.

Nag-iisa nga lang ang silid-tulugan ng simpleng bahay na ito, ngunit ang pagkakaroon ng isang silid ay maari ng maging tulugan o pahingahan ng isang pamilya o ng isang tao na nais na mamuhay ng mag-isa. Ang ganitong bahay din ay maaring gawing guest house sa loob ng inyong bakuran.

Samantala, sa mga nagnanais naman na magpagawa ng ganitong klase ng bahay, na simple na’t maganda, ay nagkakahalaga nga ito ng Php80,000 hanggang Php150,000, depende pa din sa materyales na gagamitin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *