Silipin ang Two-Storey House na Ito na Mistulang Napaka-Simple Ngunit Kamangha-mangha ang Panloob na Disenyo

Mapapansin na sa labas pa lamang ng ilang mga bahay ay masasabi nang magara ito ngunit may iilan din namang mga tahanan na simple lamang ang panlabas na itsura ngunit kamangha-mangha ang disenyo sa loob.

Malayo pa lang ay talagang kapansin-pansin na ang bahay na ito hindi lamang dahil sa kakaibang hugis ng bubong na ginamit para dito kundi dahil na rin sa dalawang klaseng materyales na ginamit para sa pagpapatayo nito.

Ang unang palapag ng bahay maging ang ilan pang parte ng ikalawang palapag ay gawa sa konkretong materyales habang ang natitirang parte naman ay gawa sa marine plywood.

Napalilibutan din ito ng maraming glass windows upang maging maaliwalas at presko sa loob ng tahanan. Dahil rin dito ay nagiging mas moderno ang disenyo ng bahay. Bukod dito, ayon sa mga may-ari ng tahanan ay plano rin nilang maglagay ng balcony sa hinaharap. Tamang-tama ito upang magkaroon ng karagdagang pahingahan ang pamilya.

Ibang-iba rin ang dating ng bahay na ito noong hindi pa ito natatapos at noong tuluyan nang nakumpleto ang pagpapagawa nito. Masasabing maihahalintulad sa industriyal na tema ang itsura ng bahay noong hindi pa ito natatapos ngunit noong natapos na ito ay talaga namang nakakamangha ang pagiging elegante ng bahay lalo na ang mga chandelier nito.

Mayroon ding ilang mwebles at kagamitan sa loob ng tahanan na gawa sa kahoy. Moderno din ang dating ng kusina ng bahay. Bukod sa counter, elegante ang napiling disenyo ng mga kabinet at chandelier dito.

Bagay na bagay din ito sa modernong disenyo ng kanilang dining table.

Mapapansin din na dito nila inilagay ang isang sliding glass door na maaaring magamit upang makapunta sa likurang bahagi ng bahay.

Bukod sa mga napakagandang silid na ito, hindi magpapahuli ang kakaibang disenyo na makikita sa comfort room ng bahay. Isa sa mga kapansin-pansin dito ay ang kakaibang disenyo ng kisame at mga ilaw.

Dahil sa mga napakarami at kakaibang bagay na makikita sa bahay na ito, masasabi na talagang pinag-isipan nilang mabuti ang pagpapatayo nito. Sigurado ding makakadagdag pa sa kagandahan ng bahay ang mga planong nais nilang magawa sa hinaharap.

Sa ngayon naman, posibleng PhP2 million o higit pa ang nagastos ng pamilya para maipatayo ang tahanan na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *