Marami ang gustong magpatayo ng kanilang pangarap na bahay at karamihan sa mga na-achieved na ang kanilang dream house ay ibinabahagi nila sa social media hindi para magyabang kundi para magbigay ng inspirasyon sa mga kapwa nila nangangarap.
Isa sa nagbahagi ng kanyang tiny dream house ay ang netizen na si CJ MomoofSuperinigo kung saan ibinahagi ito sa Facebook Page na Proyekto.
Ayon kay CJ na halos Php150k lang ang nagastos niya sa pagpapatayo ng tiny house niya na ito dahil malaki ang natipid niya sa labor. Ang ama at asawa niya mismo ang halos gumawa dito kaya naman nasunod lahat ng kanilang gusto.
Photo credits: CJ MomofSuperinigo | Facebook
Photo credits: CJ MomofSuperinigo | Facebook
Pagdating naman sa mga kagamitan ay halos lahat ng makikita nyo dito sa loob ng kanyang tiny house ay nabili niya sa shopee.
Sinigurado niya na magiging cozy ang looks ng kanyang bahay sa labas hanggang sa loob kahit maliit lang ito. Ang kanyang tiny house na ito ay may Nordic design at kinulayan ng kulay puti na mas lalong nagbigay dito ng classy looks at vibes mula sa labas hanggang sa loob.
Pagpasok sa loob makikita na halos lahat ng kagamitan ay nordic ang disenyo na makikita lang sa shopee. Makikita dito ang isang maliit na dining area kung saan may L-shape na upuan na pinasadya niya upang mas maging matipid sa espasyo.
Photo credits: CJ MomofSuperinigo | Facebook
Mayroon din itong dalawang puting bangko upang magkaroon ng extra upuan para sa kanyang mga bisita.
Ang kanyang living area naman ay may L-shape din na sofa samantala ang kanyang wall ay pinuno niya ng kanilang family pictures. Naglagay din siya dito ng magandang ilaw upang magbigay ng nakaka goodvibes na liwanag sa kanilang sala.
Photo credits: CJ MomofSuperinigo | Facebook
Nagset up din dito si CJ ng kanyang working space upang mayroon siyang komportableng area kung saan siya pwede magtrabaho sa kanyang laptop.
Photo credits: CJ MomofSuperinigo | Facebook
Photo credits: CJ MomofSuperinigo | Facebook
Mapapansin din ang mga inilagay niyang halaman sa loob ng kaniyang tahanan kung saan mas nagbibigay kulay at sigla sa lahat ng sulok ng kanilang tahanan.
Photo credits: CJ MomofSuperinigo | Facebook
Photo credits: CJ MomofSuperinigo | Facebook
Kahit maliit lang ang kusina ni CJ sinigurado niya naman na maraming pwedeng paglagyan ng kanilang mga pangangailangan sa pagluluto upang hindi sila mahirapan. Napaka organize din ng kanyang mga kagamitan dito at naglagay din siya ng halaman na nakabitin na mas nagbigay sigla sa kanyang kusina.
Photo credits: CJ MomofSuperinigo | Facebook
Mapapansin din ang mga inilagay niyang maliit na letter frame sa kanilang banyo na nagbigay ng aesthetic feels dito. Pati ang maliit na salamin na nakasabit ay agaw pansin din.
Photo credits: CJ MomofSuperinigo | Facebook
Photo credits: CJ MomofSuperinigo | Facebook
Talagang kahanga hanga ang pagkakagawa ng tiny house na ito na talagang may kasamang pagmamaha.