Silipin ang Napakagandang All-White Farmhouse-Inspired Home na ito na Abot-Tanaw ang Nakakabighaning Ganda ng Kabundukan ng Nasugbu, Batangas

Isang napakagandang farmhouse-inspired home ang ating ibibida ngayon, at ito ay ang Gracia Viviente na nakatirik sa isang 1,200 sqm lot at ang kabuuang bahay ay mayroong sukat na 200sqm.

Ang napakagandang farmhouse-inspired home na ito ay pagmamay-ari ng pamilya ni Mamshie Pacula, at ayon sa kanya ang property nilang ito ay bunga ng kanilang tiyaga at pananampalataya.

“Like many people, we’ve experienced challenges during the pandemic but it’s also during this time when opportunities to export our local banig products internationally presented itself. Our mission is to showcase the talent of Filipinos. We’re helping a community of weavers in Samar through our business, URBANigs.ph,” saad ni Mamshie Pacula.

Photo credits to the owner

Pagbabahagi pa niya, ang Gracia Viviente ay nabigyang buhay dahil sa pagtutulungan nilang magpamilya sa loo ng labing-apat na buwan. Ayon pa sa kanya, mismong silang magpa-pamilya ang naging hands-on sa pagpapatrabaho ng proyekto nilang ito, at maging ang furtinure na makikita diti ay sila din ang may gawa kung saan siniguradi nilang gawa ito sa mga quality materials.

“We made our furniture and we used wuality materials to ensure durability”, saad pa niya.

Photo credits to the owner

Dagdag pa ni Mamshie, karamihan sa mga disenyo ng tahanan na ito ay nakuha nila ang ideya sa apps na Pinterest, katulad na lamang ng big doors na nakuha nila ang ideya sa isang American farmhouse.

“Having big doors in American farmhouses is a must. It’s like you’re entering another beautiful exciting adventure you go through the door,” saad pa niya.

Photo credits to the owner

Tunay namang napakaganda, kaaya-aya at nakaka-relaks na manirahan sa tahanan na ito na kilala bilang Gracia Viviente, dahil sa maliban sa magarang istilo at disenyo nito ay tunay na napakagandang tanawin ang matatanaw mula rito, ito nga ay ang nakaka-wow na ganda ng Mt. Batulao at Mt. Talamitan ng Nasugbu.

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Sa mga nagnanais na pasyalan ang napakagandang lugar na ito ay maaring magpa-book dito, ayon na rin mismo sa owner nitong si Mamshie. Maari ditong mag-stay ang magbabarkada at magpamilya, lalo na kung may okasyon na ipagdiriwang.

Samantala, hindi lamang ang magandang tanawin sa Gracia Viviente ang mai-enjoy ng sinomang bibisita rito, dahil panigurado na magre-relaks din ang mga ito sa mismong loob nito dahil sa luxurious feel dito.

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Ang Gracia Viviente ay mayroong dalawang beranda, malawak at malinis na living at dining area na may mga mamahalin at magagarang kagamitan. Napakalinis at napakagara rin ng kusina nito na mayroon pa ngang compact dining nook at six seaters na dining table.

Photo credits to the owner

Batid naman natin na ang kusina ang itinuturing na ‘heart of home’ sa isang tahanan, kaya naman sa Gracia Viviente ay talagang napaka-functional at Instagram-worthy ang kanilang cooking area, kung saan maaring magluto ang owner o visitor nito.

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Mayroon namang tatlong silid-tulugan ang Gracia Viviente, kung saan may mga customized bed na gawa sa solid wood ang bawat silid nito. Mala-hotel din sa ganda ang bathroom nito.

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Ayon pa kay Mamshie, ang kagandahan pa sa Gracia Viviete ay ang pagkakaroon nito ng Lanai na mayroong dining space at seating area kaya naman maari din itong gamitin para sa espesyal na okasyon ng isang pamilya.

“The lanai has an open concept that’s ideal for big celebrations,” aniya.

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Hindi lamang naman ang mga matatanda angmag-e-enjoy sa Gracia Viviente, dahil maging mga bata ay mag-e-enjoy din sapagkat mayroon ding lifesize playhouse dito, idagdag pa ang swimming pool.

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Talaga namang napakaganda ng Gracia Viviente, kaya naman sa mga gusting bisitahina ng lugar, ay ready na at magpa-book na kayo sa Facebook page nila. Ang Gracia Viviente ay matatagpuan sa Sitio Camalig, Brgy. Reparo, Nasugbu, Batangas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *