Silipin ang Nakaka-Relaks at Eleganteng Half-Concrete Half-Amakan na Bahay na ito na Mayroong Modernong Disenyo sa Labas at Loob

Usong-uso ngayon sa mga tahanan ang modernong istilo at disenyo, ngunit mayroon pa rin naman na mas ninanais ang manirahan sa tahanan na native ang istilo o ‘yung mga mala-probinsyang bahay. Tunay naman kasi na nakaka-relaks ang maniharan sa mga native homes, lalo na kung ito ay mayroong balkonahe at ang matatanaw mo mula sa balkonaheng ito ay ang kapaligiran nito na maraming mga luntiang pananim at halaman na may makukulay na bulaklak.

Samantala, hindi pa rin nga nawawala ngayon ang mga native homes, dahil ang iba sa atin ay ganitong uri pa rin ang tahanan na tinitirhan ngunit ito ay kanila lamang ginawang maganda at pina-moderno, lalo na pagdating sa interior design nito.

Halimbawa na lamang nito ay ang elegant native house na ibibida natin ngayon, na hindi lamang mala-probinsyang bahay ang disensyo sa labas kundi mayroon din itong magandang interior design, idagdag pa ang pagkakaroon nito ang porch o balkonahe na ang harapan ay napakagandang garden.

Photo credits: Leny Batoctoy | Facebook

Photo credits: Leny Batoctoy | Facebook

Ang bahay na ito ay mayroong dalawang silid-tulugan, at tila napaka-liit lamang nito, pero ito ay mayroong napaka-eleganteng interior design dahil na rin sa mga palamuti na makikita dito. Makikita na ang exterior ng bahay na ito ay half-concrete, at ang wall nito ay amakan na may accent na bamboo na kinulayan ng itim na pintura.

Photo credits: Leny Batoctoy | Facebook

Photo credits: Leny Batoctoy | Facebook

Tunay na kaaya-aya at napakaganda ng tahanan na ito, lalo na’t ang garden nito ay mayroong perpektong native look dahil sa napakarami nitong mga hanging plants na nagbibigay buhay at kulay sa harapan ng balkonahe.

Photo credits: Leny Batoctoy | Facebook

Isa pa sa napakagandang gawin sa balkonahe nito ay ang pagtambay dito kasabay ng pagbabasa ng libro, dahil talagang mare-relaks ang inyong isipan at pakiramdam.

Isa namang oversize sofa ang makikita na nasa small living room nito, kahit naman maliit ang nasabing living area ay naging napaka-kumportable pa rin nito dahil sa sofa na maari ring mai-covert bilang isang sofa bed.

Photo credits: Leny Batoctoy | Facebook

Mas naging elegante naman tignan ng interior ng bahay na ito, dahil sa pininturahan ito ng kulay yellow na tinernuhan naman ng gold at white na kurtina.

Photo credits: Leny Batoctoy | Facebook

Napaka-moderno din ng kusina ng bahay na ito, dahil sa istilong L-shaped ng counter na nakadaragdag sa pagiging suffiency nito. Sa tabi naman ng kitchen makikita ang maliit pero functional na bathroom.

Photo credits: Leny Batoctoy | Facebook

Photo credits: Leny Batoctoy | Facebook

Photo credits: Leny Batoctoy | Facebook

Photo credits: Leny Batoctoy | Facebook

Para naman sa mga nagnanais na magpagawa ng ganitong bahay, ayon sa ulat ay umaabot sa Php300,000 hanggang Php500,000 ang maaring magastos sa pagpatayo nito, depende pa rin sa mga materyales na gagamitin.

Photo credits: Leny Batoctoy | Facebook

Photo credits: Leny Batoctoy | Facebook

Photo credits: Leny Batoctoy | Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *