Silipin ang Minimalist Ngunit Modernong Japanese-Inspired House na Ito na Naipatayo sa Halagang Php1.8M

Kung ang ibang homeowners ay pinipili na magkaroon ng makukulay at naglalakihang mga bahay, ginugusto na ng karamihan ngayon ang mas simple ngunit eleganteng disenyo ng kanilang family home. Gaya na lamang ito ng minimalist na bahay na ito na talaga namang kakaiba at agaw-pansin.

Puting-puti ang exterior ng bahay mula sa bakod hanggang sa mga dingding nito. Isa rin sa kakaibang feature ng bahay ay ang sliding gate at carport nito na gawa sa kahoy.

Napakalawak ng carport na ito gayundin ang kalapit na garden sa gilid nito kaya naman talagang maaaring gawing pahingahan o play area ang bahaging ito ng bahay. Bukod dito, maaari ding magamit ang espasyo na ito para sa kanilang mga salo-salo o simpleng selebrasyon kasama ang ilang mga bisita.

Makikita naman ang parehong tema sa loob ng bahay. Kulay puti nga ang mga dingding samantalang ang mga mwebles naman ay gawa sa kahoy. Dahil sa minimalist na temang ito, talagang mapapansin ang pagiging elegante ng lugar.

Bukod sa kagandahan ng disenyo ng bahay, mainam din na pinili ng mga may-ari na magkaroon ng open layout para sa kanilang common spaces gaya ng living at dining area.

Sa ganitong paraan, nagmumukhang malawak ang sukat ng bahay. Dagdag pa rito, maganda rin ang pagkakaayos ng kanilang mga kagamitan kaya naman talagang organisado ang loob ng bahay kahit na limitado lamang ang espasyo rito.

Gaya naman ng mga silid na nabanggit, mayroon ding minimalist na tema ang kusina ng bahay. Mayroon din itong puting kulay at mga mwebles na gawa sa kahoy.

Talagang bagay na bagay ang temang ito sa kusina bagamat mas mahirap ang paglilinis nito. Pagdating naman sa kwarto, makikita pa rin ang temang ito.

 

 

Gumawa rin sila ng isang reading nook sa kwarto na mayroong built-in library. Perpekto ito bilang pahingahan at study area. Hindi rin magpapahuli ang comfort room na bukod sa kahoy ay mayroon din itong parte na gawa sa salamin.

Magkahalong konkreto at kahoy ang mga materyales na ginamit para sa bahay. Bukod dito, magaganda rin ang kanilang mga furnitures kaya naman hindi na nakapagtataka na maaaring umabot sa PhP1.8 million o higit pa ang nagastos para dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *