Madalas tayong nakakakita ng mga bahay-kubo sa mga kabukiran o probinsya. Ang bahay-kubo ay isang katutubong tahanan sa Pilipinas na gawa sa kawayan at mga lokal na kahoy katulad na lamang ng kahoy n amula sa puno ng niyog. Ang mga bahay-kubo ay mga uri din ng tahanan na simple lamang ang disenyo na mayroong balkonahe, ngunit ito ay kadalasang itinatayo na nakaangat sa lupa.
Samantala, maraming mga posibleng dahilan kung bakit ang mga katutubong tahanan na ito ay ine-elevate o itinatayo na angat sa lupa at isa na sa mga ito ay mas mainam ito para mas maging matagal at matibay ang bahay-kubo dahil sa hindi ito direktang na-e-expose sa moisture mula sa lupa. Kapag nakaangat din ang bahay kubo sa lupa, ay mas madaling ma-monitor kung ito ay mayroon ng mga anay.
Noon ang bahay-kubo ay tila ordinaryong tahanan, ngunit ngayon ay napakarami ng mga bahay-kubo ang tunay na hinahangaan dahil sa pagiging moderno nito.
Halimbawa na lamang nito ay ang ibibida natin ngayon na isang modernong bahay-kubo, na hindi lamang nakaka-relaks tirhan, kundi tunay na kaaya-aya dahil sa pagkakaroon nito ng maayos na kusina at eleganteng banyo. Isa pa sa maganda sa bahay-kubong ito ay ang balkonahe nito na tila nang-a-anyaya para sa mga tao na nais na makapag-relaks.
Ang modernong bahay-kubo na ito ay gawa sa kahoy at ang dingding nito ay amakan, ngunit ang nakakamangha dito ay ang pagkakaroon nito ng modernong ameneties, tulad na lamang ng ‘glass enclosure’ nito sa banyo at ang pagiging tiles ng counter ng kusina nito.
Makikita rin na ang modernong bahay-kubo na ito ay may poste na kongkreto para masiguradong matibay ang pundasyon nito.
Isa pa sa mga tunay na kamangha-mangha sa modernong bahay-kubo na ito ay ang wood floor nito na lahat ay gawa sa mga makikintab at solid na slabs, dahilan para mas magmukhang expensive ang bahay-kubo na ito kumpara sa ibang mga katutubong bahay-kubo.
Pagpasok sa bahay kubo na ito ay agad na bubungad ang nakaka-relaks na balkonahe, kasunod nito ay ang living room na isa rin sa mga magandang tambayan lalo pa’t may mga dekorasyon dito na creative art pieces na nagbigay ng buhay dito.
Ilan din sa mga makikitang kagamitan dito ay mga antigong wood furniture.
Sino ding mag-aakala na ang bahay kubo na ito ay mayroong napakagandang banyo, na hindi lamang nakatiles at kumpleto sa modernong kagamitan kundi ito pa glass shower enclosure na mas nagpamukhang elegante dito.
Kung isa ka naman sa mga nagnanais na magpatayo ng ganitong tahanan, ay umaabot ito sa halagang Php150k hanggang Php250k, depende pa rin sa materyales na gagamitin at sa magiging disenyo nito.