Silipin ang 2-Storey House na ito na may Nakakarelax na Panloob na Disenyo na Naipatayo ng Isang Pamilya sa Halagang Php1.6M

Sa panahon ngayon ay tunay na hindi biro ang magkaroon o makapagpatayo ng tahanan, hindi na din kasi biro ang halaga ng materyales, idagdag pa ang pasahod sa mga mangagagawa.

Samantala, sa halagang Php1.6 milyon ano nga bang klaseng tahanan ang maaring mong maipatayo?

Masasabi natin na ang ganitong halaga ng pera ay hindi pa sasapat kung ang tahanan na iyong nais ay kongkreto, malaki at mayroong dalawang palapag. Sa kabila nito, isang pamilya ang matagumpay na naipatayo ang pangarap nilang 2-story house, sa halagang Php1.6 milyon at ang tahanan nila na ito ay hindi lamang nila maipagmamalaki dahil sa pagkakaroon nito ng dalawang palapagk, kundi dahil din sa ito ay mayroong magandang interior design, kusina na may modernong pagkakaayos, eleganteng banyo at maliit ngunit nakakarelaks na balkonahe.

Photo credits: Sil Hou Ette | Facebook

Makikita sa larawan na ang naturang tahanan ng pamilya ay mataas at dalawa ang palapag, at kahanga-hanga na sa halagang Php1.6 milyon ay na-achieve nila ang ganito kagandang bahay.

Photo credits: Sil Hou Ette | Facebook

Ibinahagi naman ng mismong may-ari ng tahanan kung paano nila nagawang ma-achieve ang magkaroon ng 2story house gamit ang nasabing halaga. Ayon sa kanya, ang ikalawang palapag ng kanilang 2-story home ay hindi kongkreto, bagkus ang mga dingding umano nito hardiflex o ‘yung cement board.

Photo credits: Sil Hou Ette | Facebook

Kahit naman hardiflex lamang ang dingding ng ikalawang palapag ng kanilang tahanan, ay nagmistula pa rin naman itong maayos at napakaganda dahil na din sa modernong disenyo nito at paglalagay ng mga stone-inspired sa exterior ng unang palapag nito na nagsilbing accent ng tahanan.

Photo credits: Sil Hou Ette | Facebook

Ang 2-story house na ito ay hindi lamang hahangaan ang exterior nitong disenyo, kundi kamamanghaan din ang pagkakaroon nito ng traditional living room.

Photo credits: Sil Hou Ette | Facebook

Photo credits: Sil Hou Ette | Facebook

Photo credits: Sil Hou Ette | Facebook

Sa naturag living room ay makikita ang tatlong pirasong couch na talaga namang napaka-kumportableng upuan habang nanonood sa telebisyon. Mas nagbigay buhay pa sa living room ng tahanan na ito ang eleganteng kurtina na hanggang sahig ang haba at ang iba pang mga dekorasyon dito.

Photo credits: Sil Hou Ette | Facebook

Photo credits: Sil Hou Ette | Facebook

Mapapansin naman na isang cabinet divider ang naghihiwalay sa sala at kusina, kung saan ang cabinet divider din na ito ay maaring mai-convert para maging isang bar counter. Naging moderno naman ang dating ng kusina dahil sa L-shape counter nito at sa mga built-in cabinet na inilagay dito.

Photo credits: Sil Hou Ette | Facebook

Photo credits: Sil Hou Ette | Facebook

Photo credits: Sil Hou Ette | Facebook

Hindi rin naman magpapahuli sa pagkakaayos at pagiging modern ang bathroom ng tahanan na ito.

Photo credits: Sil Hou Ette | Facebook

Photo credits: Sil Hou Ette | Facebook

Makikita na ito ay mayroong dingding na naka-white tiles at fixtures, idagdag pa ang mga ikinabit dito na built-in shelves para maging organize ang mga gamit dito.

Photo credits: Sil Hou Ette | Facebook

Ayon sa pamilya na may-ari ng tahanan na ito umabot sa halagang Php1.6 milyon ang nagastos sa pagpapagawa ng tahanan nilang ito. Kung isa ka naman sa mga nagnanais ka naman na magkaroon ng ganitong tahanan ngunit ‘fully concrete’ ay marahil na umabot sa mahigit Php1.6 milyon ang maaring magastos, depende sa materyales at disenyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *