Sa Edad na 22 at sa Puhunang Php1k Estudyanteng Nagsimula ng Kanyang Letuce Farming Kumikita na Ngayon ng Php30K hanggang Php40K Kada Buwan

Tunay na ang pag-asenso ay wala sa edad dahil ito ay maaring makamit kahit anong edad mayroon ka, basta’t nasa tamang diskarte ka, ito ang pinatunayan ng 22-taong gulang na si Harold Zapata, dahil sa edad niyang 22 ay nagagawa na niyang kumita ng 5-digits kada buwan.

Ngunit paano nga ba kumikita ngayon ng 5-digits o Php30,000 hanggang Php40,000 ang 22-taong gulang na si Harold.

Nagsimula ang pagpasok ng magandang kita kay Harold, noong simulant niya ang kanyang lettuce farming noong taong 2021, gamit lamang ang panimulang puhunan niya na Php1,000. Sinong mag-aakala na sa halagang 1K, makalipas lamang ang isang taon ay nagagawa na ngayon ni Harol kumita ng Php30K hanggang Php40K.

Photo credits: Harold Zapata | Only Good Content (OG) Youtube

Ayon kay Harold, naging posible para sa kanya ay mapalago ang kanyang lettuce farming sa lupaing may sukat na 150-sqm at makeshift greenhouse dahil sa hydroponic farming. Ang greenhouse ni Harold ay gawa sa mga recycled materials tulad na lamang ng patapong Styrofoam, bakal ng luma niyang kama, kawayan at plastic.

Ang hydroponics ay kilala rin bilang aquaculture, nutriculture at soilless culture. Ayon sa Britannica.com
ang hydroponic ay isang proseso ng pagpapatubo ng mga pananim gamit ang nutrient-enriched water, “with or without the mechanical support of an inert medium such as sand, gravel, or perlite”.

Pagbabahagi nga ng 4th year marketing management student na si Harold sa Balita Pilipinas ng One PH, sinimulan niya ang kanyang negosyo na halagang kulang-kulang isang libong piso o Php980.

“Kinompute ko nga po siguro PHP980 lang po talaga inabot,” aniya sa ulat ng Balita Pilipinas ng One PH.

“Nag-start ako sa isang libo. Takot pa nga akong i-invest yun dahil malaking bagay yun.”

Isang libo lamang ang naging panimulang puhunan ni Harold dahil ang kanyang greenhouse ay ginawa niya gamit lamang ang mga recycled materials, at ang ginawa naman niyang cover ng greenhouse niya ay murang plastic, dahil sa may kamahalan nga ang UV plastic.

Photo credits: Harold Zapata | Only Good Content (OG) Youtube

Ang pinagkagastusan lamang umano niya ay ang pagbili niya ng binhi, nutrients at plastic cups na siya niyang pinaglagyan ng mga binhi. Saad pa niya, noon ay natatakot pa siya mag-invest lalo pa’t para sa istudyanteng tulad niya ay malaking bagay na ang isang libong piso. Dagdag pa niya, kahit na nung magtitinda na siya ay kinabahan din siya, lalo na at unang beses niyang mag-aalok ng sarili niyang paninda.

Photo credits: Harold Zapata | Only Good Content (OG) Youtube

Agad namang nag-click ang paninda ni Harold, kung saa una siyang kumita ng mahigit Php700, sa 50 lettuce heads na inani niya.
Samantala, kung noon ay 50 lettuce heads lamang ang inaani ni Harold, ngayon ay nagagawa na niyang makapag-ani ng 2,000 lettuce heads.

Sa ngayon ay si Harold na ang isa sa mga nagsu-supply ng lettuce sa mga grocery store sa kanilang lugar sa Pampangga.

Photo credits: Harold Zapata | Only Good Content (OG) Youtube

Payo naman ni Harold para sa mga nagsisimula sa negosyo, na mahalaga na mahal mo ang ginagawa mo at inspirasyon mo ito tuwing gumigising ka sa umaga, dahil pag ganito ang nasa mindset mo, dahil kapag nagtuloy-tuloy ang iyong ginagawa paniguradong tagumpay ang mararating mo sa negosyo. Hindi ri umano importante na maganda agad o malaki agad ang kita.

“Hindi naman importante na maganda agad, hindi importante na malaki agad [ang kita].

“Ang importante is yung in love ka sa ginagawa mo, inspired ka na gumising nang maaga, may benta o wala.
“As long as tuluy-tuloy ka, magsa-succeed iyan”, payo ni Harold.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *