“Pag babae anak niyo, bye money” Mariel Padilla Ibinahagi Kung Ilang Beses Magpalit ng Costume ang Kanyang mga Anak sa Loob ng Isang Araw

Hindi biro ang maging isang ina dahil sa napakarami nitong kaakibat na responsibilidad, ngunit tunay na nakaka-proud ang mabiyayaan ng pagkakataon na maging isang ina.




Isa sa mga hinahangaan bilang isang mapagmahal at responsableng ina sa mundo ng showbiz ang celebrity mom na si Mariel Padilla. Bilang isang ina ay kitang-kita naman talaga kay Mariel kung gaano niya kamahal ang dalawa niyang anak na sina Isabella at Gabriella at kung gaano siya ka-proud sa mga ito. Madalas na magbahagi si Mariel ng mga larawan nina Isabella at Gabriella sa kanyang Instagram kung saan makikita ang mga nakakatuwa at kagiliw-giliw na pananamit ng dalawang bata.

Photo credits: Mariel Padilla | IG

Samantala, bilang isang ina ay aminado si Mariel na dahil sa parehong babae ang kanyang dalawang anak ay gusting-gusto niyang binibihisan ang mga ito, lalo na ng iba’t ibang mga magaganda at nakakatuwang costume.

Photo credits: Mariel Padilla | IG

Ayon kay Mariel, dahil sa nakalakihan na ng dalawa niyag anak ang pagbibihis ng costume, ngayon nga ay ang mga ito na mismo ang humihiling sa kanya kapag gusto nilang magsuot ng costume. Pagbabahagi pa ng celebrity mom, dahil sa pagkahilig ng mga anak niyang sina Isabella at Gabriella sa pagko-costume, madalas umano na sa loob ng isang araw ay umaabot sa sampung beses kung magpalit ng costume ang mga ito.

Photo credits: Mariel Padilla | IG

Photo credits: Mariel Padilla | IG

Sa isang panayam ng Pep.ph kay Mariel, ay ibinahagi niya kung gaano kasaya ang magkaroon ng mga anak ng babae, ngunit saad niya magastos din talaga kapag babae ang mga anak.




“Pag babae yung anak niyo, bye money,” saad ni Mariel sa isang interview niya sa Pep.ph.

“Yung mga anak ko, sa isang araw, siguro mga nakasampung beses magpalit iyan ng costume, with hair! Okay talagang full to the max talaga.”

Photo credits: Mariel Padilla | IG

Kuwento pa ni Mariel, sa dami ng costume na mayroon ang kanyang dalawang anak, ay halos lahat umano ng cartoon characters ay nasubukan na ng mga io, katulad na lamang ng sikat na cartoon character na sina Elsa at Anna ng ‘Frozen’. Nakapag-costume na din umano sina Isabella at Gabriella ng Encanto costume, Paw Patrol Costume at kahit pa nga ‘yung mga ibang mga hindi masyadong kilalang character ay nai-costume na ng dalawa niyang anak.

Photo credits: Mariel Padilla | IG

Photo credits: Mariel Padilla | IG

Bilang isang ina ay masaya si Mariel na nakikitang maligaya ang kanyang mga anak kapag naisusuot ng mga ito ang gusto nilang costume, ngunit aminado siya na minsan ay may pagkakataon na din din niya napagbibigyan ang kagustuhan na costume ng kanyang mga anak lalo na kung mahirap mahanap ang gusting costume ng mga ito. Dagdag pa niya, may pagkakataon na nagdi-Diy siya ng costume para lamang mapagbigyan ang gusto ng kanyang mga anak

Photo credits: Mariel Padilla | IG

Photo credits: Mariel Padilla | IG

Marami namang netizens ang natutuwa sa iba’t ibang mga costume na isinusuot nina Isabella at Gabriella, at ang iba ring mga momshie ay sumang-ayon din kay Mariel na kapag talaga babae ang anak ay tunay na nakakatuwa at nakakaaliw itong bisihan at kasiyahan na itong gawin ng isang ina sa kanyang anak.