“Nagsimula sa papel at lapis ko 5-years ago, ngayon nakatayo na” Netizens Ibinahagi na Dahil sa Tiyaga, Pagsisikap at Pananampalataya Nilang Mag-asawa ay Natupad ang Pangarap Nilang Magarbong Tahanan

Nakaka-proud naman talaga kapag ang isang bagay na iyong pinapangarap ay nabigyan mo ng katuparan dahil sa iyong ipinamalas na sipag at tiyaga, kaya naman ang isang kapitbahay natin na Facebook group page na Home Buddies ay hindi maitago ang kanyang kasiyahan ng ibahagi niya ang napakaganda na nilang tahanan ngayon ng kanyang asawa na ayon sa kanya ay bunga ng kanilang pagsusumikap, tiyaga at kasipagan.

Photo credits: Jhel Santos | Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Jhel Santos | Home Buddies Facebook Group

Sa Facebook group page na Home Buddies ay ibinahagi ng kapitbahay natin na si Jhel Santos ang mga larawan ng napakagarbo nilang tahanan ngayon ng kanyang asawa, kalakip nito ay ang pagku-kuwento niya sa kung paano nila nagawang ipatayo ang pangarap nilang tahanan na ito sa kabila ng silang mag-asawa ay parehong hindi naman nagmula sa mayamang pamilya.

Photo credits: Jhel Santos | Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Jhel Santos | Home Buddies Facebook Group

Ayon kay Jhel Santos, silang mag-asawa ay parehong hindi ipinanganak na mayaman, kaya naman buong pagmamalaki niyang ibinahagi na ang napakagarbo nilang tahanan na naipundar na mag-asawa ay bunga ng kanilang sipag at tiyaga sa kanilang pagtatrabaho.

“I was not born with a silver spoon neither do my husband or parents. So every inch of this house was a result of hardwork”, ang naging pagbabahagi ni Jhel sa unang bahagi ng caption ng kanyang Facebook post sa Home Buddies.

Photo credits: Jhel Santos | Home Buddies Facebook Group

Dagdag na saad pa ni Jhen, tulad ng ilan, ay hindi rin naging madali sa kanilang mag-asawa ang tuparin ang pangarap nilang tahanan, may mga araw din umano na tila nais na niyang sumuko at araw na pinanghihinaan siya ng loob dahil sa nararamdamang pagod.

Photo credits: Jhel Santos | Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Jhel Santos | Home Buddies Facebook Group

Pero sa kabila ng lahat ng pagod, panghihina ng loob at pagsuko na kanyang nararamdaman, isa umano sa nagpalakas ng loob niya para magpatuloy na magsumikap at hindi sumuko para sa kanyang pangarap ay ang gabay ng Poong Maykapal.

“Sa mga araw na gusto ko ng sumuko, sa mga araw na pinanghihinaan ako ng loob, sa mga araw na pagod na pagod nako, salamat sa gabay ng taas at hindi ako sumuko”, saad ni Jhel.

Photo credits: Jhel Santos | Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Jhel Santos | Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Jhel Santos | Home Buddies Facebook Group

Proud na ibinahagi ni Jhel na 5-years ago ay drawing lamang ang pangarap nila na ito ng kanyang asawa, ngunit makikita ngayon na ang dream house na pangarap niya na sinimulan lamang niya sa papel at lapis noon ay heto na’t nakatayo na ngayon.

“Nagsimula sa papel at lapis ko 5 years ago, ngayon nakatayo na”, ani pa ni Jhel.

Photo credits: Jhel Santos | Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Jhel Santos | Home Buddies Facebook Group

Isang payo naman ang ibinahagi ni Jhel para sa lahat na patuloy na nangangarap at nagsusumikap para sa kanilang pangarap sa buhay.

“WALANG PANGARAP ANG HINDI MATUTUPAD BASTA MAY TIYAGA, PAGSISIKAP AT PANANAMPALATAYA.”

Photo credits: Jhel Santos | Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Jhel Santos | Home Buddies Facebook Group

Makikita naman sa mga larawan na ibinahagi ni Jhel kung gaano kaganda, kagarbo at ka-moderno ang tahanan nila ngayon na siya ngang katuparan ng kanilang pangarap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *