Mimiyuuuh, Ipinasilip ang Bagong Renovated na Panloob na Disenyo ng Kanyang Bahay na may Modern Filipino Design

Napakarami ng mga vlogger at Youtuber na Pinoy ngayon ang talaga namang nagbago na ang takbo ng buhay magmula ng magbukas sa kanila ang napakagandang oportunidad sa mundong vlogging. Isa nga sa mga Pinoy vlogger na ito ay si Jeremy Lomibao Saccebuche o mas kilala sa mundo ng vlogging bilang si Mimiyuuuh o Mimi.

Samantala dahil sa tinatamasang popularidad ni Mimiyuuuh ngayon sa pagiging isang vlogger niya ay talaga namang malaki na ang nabago ng estado ng buhay niya at ng kanyang pamilya. Matatandaan na kamakailan lamang ng kanyang ibahagi sa Youtube channel niya sa pamamagitan ng isang vlog ang naging pagbili niya ng isang napakagandang bahay na may swimming pool pa.

Makalipas nga ang ilang buwan matapos na mabili ni Mimiyuuuh ang bago nilang bahay ng kanyang pamilya, nito lamang nakaraa ay isang panibagong vlog na naman ang kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel.

Titulo ng vlog na ito ng vlogger ay, “’Update House Tour Vlog” kung saan ay kanyang ipinasilip ang mga bago at nadagdag na furniture sa kanilang bagong bahay at ang naging napakagandang pagkakaayos ng interior nito sa tulog ng kaibigan niyang interior designer.

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Pagpasok pa lamang ng tahanan nina Mimiyuuuh ay kaagad na bubungad ang kitchen at dining area. Mapapansin naman agad ang bagong ‘look’ ng tahanan ng vlogger, kumpara noong una niyag ipasilip ito.

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Ayon kay Mimiyuuuh ang tema ng kanilang newly update house ay Modern Filipino. Dagdag pa niya, ang tumulong sa kanya upang ma-achieve ang ganitong tema ng kanilang tahanan ay ang kaibigan niyang interior designer na si Madeline San Jose.

Unang mapapansin sa dining area nina Mimiyuuuh ang bago nilang dining set, na made in wood at talagang maganda ang materyales na ginamit.

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Ayon sa kanya, ang dining set niya na ito ay nabili niya sa Home At Manila. Pagbabahagi pa ni Mimiyuuuh ang inspirasyon ng dining set niya na ito ay Pangea.

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Ipinakita din ni Mimiyuuuh ang ilang mga bagong kitchen appliances na nadagdag sa kanilang kusina. Kasunod nito ay ang pagbibida niya ng kanilang living area, kung saan bago ang kanilang mga furniture tulad ng sala set at center table na nabili din niya sa Home At Manila.

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Isa din sa mga ibinida ni Mimiyuuuh na bahagi ng kanilang tahanan ay ang tinatawag niyang ‘safe place’, kung saan ito ay nasa may ilalim na bahagi ng hagdan ay mayroon ding mini sofa, center table, halaman na nakalagay sa malaki at magandang paso, at salamin na nasa may dingding na may pagka-native ang disenyo. Ayon sa kanya sa bahagi na ito siya madalas na tumatambay, lalo na pagnais niyang mag-relax o ipahinga ang kanyang utak.

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Nagbigay pasilip din si Mimiyuuuh sa kanyang pantry na ngayon ay mas maayos at organize na.

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Kasunod nito ay ipinasilip din niya ang naging renovation ng kanilng dirty kitchen, kung saan makikita ang kanilang elegateng lutuan na mayroon pa ngang range hood.

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Ikinatutuwa ding ipinakita ni Mimiyuuuh ang kanilang bar counter na nasa may pool area malapit. Saad pa niya, ang napakaganda at elegante niyang bar counter ay nabili din niya sa Home At Manila, na ayon sa kanya ay isang ‘one stop shop’ pagdating sa mga furnitures.

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Sa huling bahagi ng kanyang vlog, ay ibinahagi naman ni Mimiyuuuh ang kasiyahan niya ngayon na na-achieve na niya ang pangarap niyang tahanan para sa kanyang pamilya. Saad pa niya, ipinagpapasalamat niya ang lahat ng biyaya na dumating at dadarating pa sa kanyang buhay.

May payo naman si Mimiyuuuh para sa lahat na patuloy na nagsusumikap para ma-achieve ang kanilang pangarap.

“Kaya kayo rin guys, huwag po kayong magsawa to achieve your dreams, kasi anything is possible, especially if you have a good heart, good intentions sabayan niyo pa po ng sipag at tiyaga.”, aniya.

UPDATED HOUSE TOUR VLOG! | mimiyuuuh

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *