Mamangha sa Mala-Resort na Cottage Style Tiny House na Ito na Naitayo sa Halagang PhP1.5 Million

Totoong gaano man kalaki o kaliit ng isang bahay ay maaari pa rin itong mapaganda sa tulong ng ating imahinasyon at pagkamalikhain. Isang ehemplo nga rito ang tiny house na ito.

Mapapansin agad sa exteriors ng bahay ang puti nitong pintura na talaga namang bagay na bagay sa cottage style nito. Kumpleto din ang kabuuang itsura ng bahay dahil sa kahoy na ginamit bilang materyales nito. Mistulang gawa naman sa bricks ang ginamit na bubong ng bahay.

Photo credits: Tiny House Attractive | Facebook

Photo credits: Tiny House Attractive | Facebook

Dagdag pa sa mga ito, mapapansin na walang bulaklak o mga halaman sa paligid nito ngunit mayroon namang isang maliit na pond sa labas ng tiny house na maaaring maging libangan ng sinumang bibisita rito.

Talagang mag-eenjoy sila rito kahit sa gabi dahil sa kakaibang mga ilaw na nakapalibot dito. Kung nais naman nilang makapagpahinga, maaari nila itong gawin sa porch ng bahay kung saan kasyang-kasya ang isang sala set.

Photo credits: Tiny House Attractive | Facebook

Pagpasok naman sa loob ng bahay, mapapansin na hindi mahahalata ang maliit nitong sukat dahil sa open layout nito, high ceiling, at minimalist na tema. Dahil dito, kakaunti at simple lamang ang mga mwebles at dekorasyon na makikita sa buong bahay.

Photo credits: Tiny House Attractive | Facebook

Photo credits: Tiny House Attractive | Facebook

Sa kabila nito, mapapansin pa rin ang pagiging elegante ng tiny house. Kahanga-hanga rin na bagamat limitado ang espasyo ng bahay ay kumpleto pa rin ito sa mga silid gaya ng living room, kusina, at comfort room. Nakakagulat rin na mayroong dalawang kwarto ang tiny house.

Photo credits: Tiny House Attractive | Facebook

Makikita ang kusina sa unang palapag ng bahay. Limitado lamang ang espasyo rito kaya naman masasabing simpleng mga putahe lamang ang maaaring maihanda rito.

Makikita rin sa palapag na ito ang unang kwarto na kung mapapansin ay kasyang-kasya lamang para sa isa hanggang dalawang tao. Maikukumpara ito sa kwarto na makikita sa ikalawang palapag na talaga namang napakalawak. Maaari itong magamit ng dalawa hanggang tatlong tao.

Photo credits: Tiny House Attractive | Facebook

Mayroon din itong espasyo para sa ilang upuan at mesa at karagdagang storage space gaya ng kabinet. Bukod sa mga napakagandang silid ng tiny house, hindi rin magpapahuli ang kagandahan ng comfort room nito na talaga namang maihahalintulad sa mga comfort room na makikita sa mga resorts.

Kumpara sa ibang bahagi ng bahay, moderno ang tema ng comfort room na ito dahil sa glass door ng shower space at sa kakaibang patterns ng tiles.

Photo credits: Tiny House Attractive | Facebook

Dahil sa kagandahan ng bahay na ito, hindi na nakapagtataka na maaaring umabot sa PhP1.5 million o higit pa ang halagang nagastos sa pagpapatayo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *