Mag-asawa sa Leyte, Ipinasilip ang Kanilang Naipundar na 35 sqm Tiny Farm House na may Floor to Ceiling na mga Bintana, Naipatayo nila sa 2.8 Hektaryang Lupain ng kanilang mga Magulang

Ang paninirahan sa isang lugar na may tahimik na kapaligiran, napakagandang tanawin, sariwa at preskong hangin, napapaligiran ng maraming puno at ibat-ibang uri ng hayop ang pangarap ng karamihan lalo na yung mga taong nakatira sa syudad na ang hanap ay katahimikan at nakakarelax na kapaligiran.

Iba ang naibibigay nito na saya, sigla sa pangangatawan at kaisipan dahil nagbibigay ito ng nakakarelax na pakiramdam, lalo na kung ang bahay na iyong tinitirhan ay sarili mong naipundar sa lugar kung saan mala paraiso ang kagandahan.

Ito ang nararamdaman ng mag-asawang si Ian at Ruth Manatad, isang Enhinyero at Arkitekto.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Ang mag-asawang ito ay nagpundar ng isang tiny farm house sa lupain ng kanilang mga magulang sa Leyte kung saan tinawag ng kanilang pamilya na Meyoy’s Farm. Ang lote ito ng kanilang pamilya ay may kabuoang sukat na 2.8 hektarya at ang kanila namang bahay na naipatayo ay may sukat na 35sqm.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Sa panibagong video na inilabas ng youtube channel na Only Good Content (OG), dito ibinahagi ng arkitektong si Ruth Manatad ang kanilang tiny farmhouse sa napakalawak na lupain na ito ng kanilang mga magulang.

Maliit man ang bahay na ito ay sinigurado naman ng mag-asawa na matibay ang mga pondasyon nito kung saan gawa ito sa konkretong pundasyon, lahat din ng kanilang mga pangangailangan ay andito na at lahat ng kanilang gustong disenyo para sa kanilang bahay na ito ay kanilang nasunod.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Unang makikita ang kanilang napakagandang veranda kung saan dito nila eneentertain ang kanilang mga bisita, makikita din mula sa veranda papasok sa kanilang maindoor ang napakagandang wall panels kung saan ang gusto sana nila gamitin para dito ay PVC panels ngunit dahil labas sakanilang budget ay gumamit sila ng mas murang paraan at ito ay ang pagamit ng 1×1 s4s na kahoy kung saan ipinako lang nila sa concrete wall at piniturahan para maachieved ang kanilang gustong itsura.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Pagbabahagi ni Ruth na nainlove silang mag-asawa sa lugar na ito ng kanilang mga magulang ng dito nila gawin ang kanilang prenup photoshoot, nagdesisyon sila magpatayo dito ng kanilang pangarap na bahay na isang maliit lang na bahay na ang lokasyon ay sa probinsya at napapalibutan ng mga puno, malayo sa magulong ingay ng lungsod, walang traffic at stress-free na lugar.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Pagpasok sa loob ng kanilang tiny house bubungad ang napakaaliwalas na kanilang sala kung saan mula sahig hanggang ceiling ang mga jalousy windows nila na mas nagbigay ng natural na liwanan, mas naging malaki tignan ang kanilang sala at mas well ventilated na kahit umuulan pwede nila buksan ng kaunti ang bintana kung saan pumapasok pa din ang hangin ng hindi nababasa ang loob.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Katabi ng kanilang sala ang kanilang Dining Area kung saan mayroon sila ditong lamesa na gawa sa molave na kahoy at dalawang upuan na nabili nila ng 2nd hand sa isang tindahan ng mga 2nd hand furnitures sa cebu.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Simple lang din ang kanilang living area kung saan makikita dito ang isang L-shape na couch, telebisyon. Nagbigay din ng high ceiling feels ang kanilang naglalakihang bintana.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Simple at maliit lang din ang kanilang kusina, ngunit sinigurado nila na maganda at well organized ito, sinigurado din nila na marami itong pwedeng paglagyan ng kanilang mga gamit na pang kusina. Nagbigay din ng kaaya-aya at preskong disenyo ang kanilang inilagay na breeze block kung saan mas pumapasok ang sariwang hanging sa kanilang kusina hanggang sa kanilang sala.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

May sarili din silang work area sa kanilang bahay kung saan madalas sila dito ng kanyang asawa nagbobonding habang nagtratrabaho. Dito nila ginagawa ang kanilang mga disenyo bilang arkitekto at enhinyero.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Sa kabilang dako naman, ipinakita ni Ruth ang kanilang palikuran kung saan mayroon din itong napakalaking bintana na gawa sa jalousy mula sahig hangang ceiling, maliit man ang kanilang banyo at shower area ay nakakagalaw naman diumano sila dito ng maayos.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Napakaganda din ng kanilang kwarto dahil napapalibutan din ito ng malalaking bintana na mula sa sahig hanggang sa ceiling, kung mapapansin na wala sila masyado ditong inilagay na closet dahil halos lahat ng kanilang mga gamit at damit ay nasa ilalim ng kanilang kama.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Ayon kay Ruth na nagsimula ang konstruksyon ng kanilang pangarap na tiny house na ito noong March 28, 2022 at natapos din agad makalipas ang anim na buwan. Ang lote na kinakatayuan ng kanilang bahay ay ibinigay lang umano ng kanilang mga magulang sakanila at pinapili sila kung saan nila magustuhan magpatayo ng bahay dito.

Aabot naman sa Php 1M ang nagastos nilang mag-asawa sa kanilang naipundar na tiny house na ito.

This Tiny Farmhouse with Floor-to-Ceiling Windows Will Inspire Your Future Light-Flooded Rooms | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *