Mag-asawa Proud na Ipinasilip ang Kagandahan ng Kanilang Happy Retirement Home ang “Casa Mendoza” na Matatagpuan sa Calatagan Batangas

Proud na ibinahagi at ipinasilip ng mag-asawang Ludette Mendoza at Rey Mendoza ang kanilang inituturing na Happy Retirement Home, at ito ay ang naipundar nilang property sa Calatagan, Batangas na tinawag nilang “Casa Mendoza.”

Ayon kay Rey ang kanilang property na Casa Mendoza ay may “three houses” at ito ay ang kanilang tree house, guest house at ang main house. Isa-isa naman niyang ipinasilip ang mga ito, at ang una na rito ay ang tree house.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube

Pagbabahagi niya ang tree house ay ipinagawa nila sa kagustuhan ng kanilang bunsong anak ng ito ay labing dalawang taong gulang pa lamang. Heto nga umano ang naging tambayan ng bunso niyang anak kasama ang mga kaibigan nito, ngunit ngayon na malaki na ang kanyang mga anak ay nagiging tambayan pa rin naman nila ito lalo na kung nais nilang mag-relaks at makita ang napakagandang kapaligiran ng Casa Mendoza mula sa taas ng tree house.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube

Samantala, ayon naman kay Ludette ang Casa Mendoza ay nagsimula dahil sa kagustuhan at pangarap ng kanyang asawang si Rey. Pagbabahagi pa niya, ang pagkakaroon ng ganitong property na napakaganda at tunay na nakakarelaks ang naisip ng mister niya na maging retirement home nilang mag-asawa.

Ibinahagi din ni Ludette, na noon pa man ay pangarap na ng kanyang mister na magkaroon ng malaki at malawak na property, pero ang dream house na nais nito ay ‘yong maliut lang, kaya naman heto ang kanilang ginawa sa kanilang Casa Mendoza.

Sa kabilang banda naman, ay ipinasilip naman ng mister ni Ludette na si Rey ang guest house nila sa Casa Mendoza, at ayon sa kanya ito ay gawa sa mga antique woods ng mga lumang bahay sa Laguna.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube

Pagpasok ng guest house ng Casa Mendoza na may sukat na 15sqm ayon na rin kay Rey, ay agad ngang bubungad ang dalawang single bed na para sa tulugan ng mga magiging guest o bisita nila doon. Ibinahagi din niya na sa Casa Mendoza ay tanging ang guest house lamang ang may aircon dahil na rin umano ito sa request ng kanyang apo. Buong pagmamalaki din ibinahagi ni Rey na magmula sa bintana ng guest house ay halos matatanaw na din ang kagandahan ng buong Casa Mendoza.

Ang Casa Mendoza na may sukat na 2000 sqm ay katuparan ng pangarap ni Rey para sa kanyang buong pamilya,at ayon pa sa kanya noon pa man na siya ay bata pa ay pangarap na niya talaga na magkaroon bg malawak ba lupain ngunit hindi ganun kalkaing tahanan.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube

Dagdag pa niya, isa din sa mga pinangarap niya ay ang magkaroon ng property kung saan siya makakapagtanim at makakapag-alaga ng iba’t ibang mga hayop.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube

Sunod naman na ipinakita ni Rey ay ang Pool Area ng kanilang Casa Mendoza, at ayon s ma kanya ito naman ay ideya ng misis niyang si Ludette. Ayon pa kay Rey ang kanilag pool ay mayroon ng modernong disenyo at sa bahagi nga na ito ay nagpalagay sila ng dalawang Cabanas na maaring tambayan kapag tapos na magswimming o di kaya naman ay pag may nnais na mag-star gaize sa gabi.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube

Isa pa sa ipinagmamalaki ng mag-asawa sa kanilang Casa Mendoza ay ang kanilang main house na gawa din sa mga antigong kahoy, at ito ay may pagka old house ang disenyo.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube

Maliban pa sa pool, main house, tree house at guest house ay mayroon ding Gazebo sa Casa Mendoza, at ayon kay Rey ay dito sila madalas ba naghahapunan at ito din ang madalas na ginagamit nila kapag may mga family occassion o di kaya naman ay may gatherings ang mga guest.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube

Tunay namang napakaganda ng kabuuan ng Casa Mendoza at nakakarelaks na manirahan dito. Ayon naman sa mag-asawang Rey at Ludette umabot ng Php7-million ang halaga ng Casa Mendoza kasama na ang lupain nito at naging improvement nila dito.

This Relaxing Retirement Home Overflows with Antiquities | Unique Homes | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *