Mag-asawa Nagpatayo ng Kanilang Pangarap na Napakaganda at Nakakarelax na Bahay Kubo na may Swimming Pool sa kanilang Lupain sa Silang Cavite

Isa sa pangarap ng karamihan ay ang makapagpatayo ng isang simpleng bahay sa lugar kung saan napapalibutan ng kulay berdeng kapaligiran na nagbibigay ng nakakarelax na pakiramdam.

Katulad nalang ng napakagandang staycation na 2-storey bahay kubo na ito na matatagpuan sa Barangay Santol Silang, Cavite kung saan may nakakarelax at tahimik na kapaligiran, presko at malamig na simoy ng hangin dahil malapit lang sa tagaytay at may balik probinsya feels dahil sa disenyo ng kanilang mga estruktura sa loob ng kanilang bakuran.

Pagmamay-ari ito ng mag-asawang Michelle at Arjay Bernardo kung saan pangarap daw talaga nila ito, ang magkaroon ng isang lugar kung saan ang konsepto ay bed and breakfast na abot kaya ng mga katulad nilang travelers. Ayon kay Michelle sila ng kanyang asawa ay madalas nasa ibat-ibang lugar dahil sa kanilang trabaho kaya madalas silang naghahanap ng abot kayang tirahan sa mga lugar nilang napupuntahan.

Photo credits: Cubo De Bernardo | Facebook

Kaya naman naisipan ng mag-asawang ito magpatayo sa kanilang lote sa Silang Cavite ng isang staycation house bilang investment narin nila at para mabigyan ng balik probinsya feels ang mga taong nasa syudad kagaya ng manila na gustong magbakasyon at maramdaman ang nakakarelax na feeling.

Photo credits: Cubo De Bernardo | Facebook

Halos lahat ng nakatayong bahay sa loob ng kanilang bakuran ay gawa sa kawayan at nipa, ang isa sa kanilang mga kubo ay may dalawang palapag at may napakalawak na veranda kung saan may lamesa at mga upuan dito. May pagkamoderno naman ang kanilang bintana dahil sa mga sliding door na kanilang ipinalagay dito.

Photo credits: Cubo De Bernardo | Facebook

Photo credits: Cubo De Bernardo | Facebook

Photo credits: Cubo De Bernardo | Facebook

Photo credits: Cubo De Bernardo | Facebook

Kahanga hanga din ang pagkakagawa ng kanilang tiny swimming pool kung saan napapalibutan ito ng platform na gawa sa kawayan. Hindi din mainit habang naliligo sa tiny swimming pool nilang ito dahil nasa ilalim ito ng mga punong mangga, napapalibutan din ito ng mga nagagandahang halaman na mas nagbibigay ng kaaya-ayang tanawin at nakakarelax na pakiramdam.

Photo credits: Cubo De Bernardo | Facebook

Napakaganda din ng kanilang mga silid tulugan kung saan talagang abot kaya sa mga travelers na naghahanap ng murang matutulugan, pwedeng pwede din ito sa pamilyang naghahanap ng probinsya feels.

Photo credits: Cubo De Bernardo | Facebook

Photo credits: Cubo De Bernardo | Facebook

Kahanga hanga din ang kanilang mga palikuran na talagang napakaganda ng pagkakadisenyo sa loob, na may pagka moderno ang disenyo. Nagooffer din sila ng masasarap na agahan.

Photo credits: Cubo De Bernardo | Facebook

Photo credits: Cubo De Bernardo | Facebook

Photo credits: Cubo De Bernardo | Facebook

Photo credits: Cubo De Bernardo | Facebook

Madami nadin ang bumibisita sa lugar na ito nila Michelle at Arjay at halos lahat ng kanilang bisita ay natuwa sakanilang kakaibang balik probinsya experience.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *