Isang Single Mom sa Japan, Ipinasilip ang Kanyang Minimalist Unique Home na Nagkakahalaga ng Php10-Milyon

Sa edad na 36-taong gulang at sa kabila ng pagiging single mom ng kababayan natin sa Japan na si Rhia Cruz ay masaya at proud niyang ibinahagi ang naipundar niyang tahanan sa bansang Japan. Ang tahanan na ito ni Rhia ay isang minimalist unique home at talaga namang nakamamangha ang disenyo nito mapalabas o loob man.

Photo credits: Only Good Content | OG 

Pagbabahagi ni Rhia ang tahanan niya na ito sa Japan ay nakatirik sa 200 sqm na lupain, kung saan ang floor area ng mismong bahay niya ay nasa 113 sqm naman ang sukat.

Photo credits: Only Good Content | OG 

Samantala, bago nagpa-tour si Rhia sa loob ng napakaganda niyang tahanan, ay ipinakita muna niya ang kanyang malawak at maayos na parking at garden area.

Photo credits: Only Good Content | OG 

Ayon sa kanya, talagang malapad ang bahaging ito ng bakuran niya, dahil maaring mag-park sa parking area niya ang limang sasakyan.

Ipinasilip din niya ang kanyang mini garden na ayon sa kanya ay artificial grass lamang ang makikitang mga damo rito. Ayon naman kay Rhia ‘pabor na pabor’ sa kanya ang artificial grass sa garden area niya, dahil sa dito madalas na naglalaro ang kanyang anak.

Pagpasok naman sa kanyang tahanan, ay agad na ipinaalala ng single mom na si Rhia ang tradisyon sa Japan na kinasanayan na din niya at ng iba pang mga kababayan doon at ito ay ang paghuhubad ng tsinelas bago pumasok sa mismong tahanan.

Photo credits: Only Good Content | OG 

Una namang ipinasilip ni Rhia sa loob ng kanyang tahanan ang living area niya, kung saan isa sa mga mapapansin na accent ay ang bricks wall nito na dito hang ang kanyang television.

Photo credits: Only Good Content | OG 

Pagbabahagi ni Rhia, noong nabili niya ang naturang tahanan ay standard at bare wall lamang ito na napipinturahan ng puti, ngunit dahil sa kagustuhan niya na magkaroon ng kakaibang accent ang kanyang living area, ay naisipan niyang magpalagay ng bricks tiles sa isang bahagi ng wall nito pero dahil sa masyado ngang mahal ito sa bansang Japan, ay naisip na lamang niya na lagyan ito ng bricks wall paper na nagustuhan naman talaga niya ang kulay at naging dating sa kanyang living area.

Photo credits: Only Good Content | OG 

Kuwento ni Rhia, tulad ng ilang mga Pinoy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa ay hindi rin madali ang buhay niya sa Japan.

‘Living here in Japan is hard. People thought that once you lived abroad live would be easy’, ani Rhia.

Dagdag pa niya, hindi lamang iisang trabaho ang pinagkakaabalahan niya sa Japan, dahil upang maibigay niya ang pangangailangan ng kanyang anak at magkaroon sila ng maayos na buhay ay talagang kinakailangan niyang kumayod ng husto kaya naman dalawa ang trabaho niya.

Mapapansin naman sa loob ng tahanan ni Rhia ang pagiging maaliwalas nito, dahil na rin ito sa neautral color na pinili niyang maging tema ng kanyang tahanan. Ayon pa nga kay Rhia, ang gusto niya talaga na kulay ay ng bahay ay ‘yong malamig sa mata, dahil para sa kanya ang tahanan ay ‘yong lugar kung saan pwede ka mag-relaks at makapagpahinga.

Ibinahagi din niya na ang tahanan niyang ito ay isang open-concept house, kung saan ‘yung living, kitchen at dining area ay magkasama, pero upang maging maaliwalas ang kanyang tahanan ay hiniwalay niya ang kanyang dining area at ito ay nasa isang silid.

Photo credits: Only Good Content | OG 

Photo credits: Only Good Content | OG 

Ayon kay Rhia ang tawag niya sa pinaka-dining area niya ay ang ‘Tatami room’, kung saan sa bansang Japan dito umano sila nag-i-entertain ng mga bisita. Sunod naman na ipinasilip ni Rhia ang kanyang kitchen, na sa kabila ng hindi ito kalakihan ay maayos at organize naman ang mga kagamitan dito.

Photo credits: Only Good Content | OG 

Ipinakita rin ni Rhia ang CR, bathroom at laundry area sa tahanan nilang ito, at ayon sa kanya sa bansang Japan basta mga ready made na bahay ay hindi talaga kalakihan ang mga banyo.

Photo credits: Only Good Content | OG     

Photo credits: Only Good Content | OG 

Huli namang ipinasilip ni Rhia ang kanyang bedroom o silid-tulugan na ang tema ay talaga namang napaka-feminine. Ayon sa kanya, talagang nag-invest siya ng maganda at kumportableng tulugan para sakanyang kwarto, dahil sa dito niya ipinapahinga ang kanyang katawan mula sa maghapong pagtatrabaho.

Photo credits: Only Good Content | OG 

Photo credits: Only Good Content | OG 

Sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng sariling tahanan sa bansang Japan, ay ibinahagi naman ni Rhian na hindi madali ang magka-bahay sa nasabing bansa lalo na kung hindi ka naman umano asawa ng isang Hapon. Ibinahagi rin niya ang mga pinagdaanang niyang ‘challenges’ bago niya na-achieve ang pagkakaroon ng tahanan sa Japan.

‘Here in Japan loaning for house in the twinkle of an eye is impossible, especially if you’re not a spouse of a Japanes’ aniya.

Para naman sa mga nangangarap na magkaroon ng bahay sa Japan, ayon kay Rhia ang ganitong tahanan na tulad ng sa kanya ay nagkakahalaga umano ng 20-million yen o kung sa halaga ng pera ng Pilipinas ay aabot ito sa Php10-milyon.

Inside a Single Mom's Minimalist Unique Home in Japan | Buhay Abroad | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *