Isang Pintor, Ipinasilip ang Kaniyang Naipatayong 2-Storey Modern Tropical House sa Quezon, Nueva Ecija na Mula sa Kanyang Inipon sa Pagpipinta

Itinuturing ng karamihan na ultimate dream ang makapagpatayo ng pangarap na napakagandang bahay dahil ito ang nagpapakita at nagpaparamdam sakanila kung gaano sila nagsipag at naghirap para maabot ang pangarap na ito.

Sa bagong video na inilabas ng youtube channel na Only Good Content (OG) ifeneature nila ang isang napakagandang bahay sa Quezon, Nueva Ecija na isang classic tropical house at pagmamay-ari ni Sarah Del Rosario isang pintor.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Pagbabahagi ni Sarah na ang bahay niyang ito ay galing sa mga pintura dahil halos lahat ng kanyang ginamit na pera pampagawa sa bahay na ito ay galing sa kanyang savings na naipon niya mula sa kanyang pag pipinta. Bago magkaroon ng pandemya ay isang event stylist si Sarah ngunit dahil natigil halos lahat ng mga events, dito na siya sumubok at magsimulang magpinta at magbenta ng kanyang mga naipinta.

Originally mayroon bahay ang pamilya ni Sarah sa bandang likuran, ngunit ng magsimula siyang magpinta ay nasira niya daw ito kaya naman nagdesisyon siyang magpatayo ng bagong bahay na mula sa kita ng kanyang pag pipinta.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Nang maipatayo niya ang kanilang bagong bahay ginawa niyang work area ang kanilang lumang bahay kung saan dito siya nagpipinta lalo na kung sobrang makalat ang kanyang mga ipinipinta.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Maliban sa pagpipinta isa ding certified plantita si Sarah, dahil makikita sa kanyang lanai ang napakaraming halaman, kung saan minsan dito siya nagpipinta dahil nagbibigay sakanya ito ng positive energy at mas nakakapagisip siya ng mabuti dahil sa napakagandang kapaligiran.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Pagpasok naman sa loob ng bahay ni Sarah bubungad ang mga nagagandahan na paintings na halos lahat ay gawa niya, madami din na nakasabit na litrato nilang pamilya dahil ayon kay Sarah ang kanyang asawa ay isang photographer at hilig nito kunan ang kanilang pamilya ng larawan at idisplay sa kanilang bahay.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Makikita ang napaka eleganteng living area, dining area at kitchen kung saan talagang pinaganda ng husto at nasunod sa naayong disenyo na gusto ni Sarah at ng kanyang mister. Ipinasilip din ni Sarah ang kanilang outdoor kitchen kung saan mayroon din outdoor dining area. Dito sila muna nagluluto dahil wala pa umanong exhaust fan sa loob ng kanilang bahay.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Mapapansin din ang napakaraming halaman na inilagay ni Sarah kung saan mas nagbigay ng ganda at kulay sa loob ng kanilang bahay. Mas nagbigay din ito ng nakakarelax na vibe at positive energy at mas nakakatulong sakanila na labanan ang stress.

Samantala sa ikalawang palapag naman ng kanilang bahay ay makikita ang isa pang family area kung saan mayroon din ditong telebisyon, eleganteng sala set at mga nagagandahang paintings.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Makikita din dito ang tatlong kwarto kung saan andito ang kwarto ng kanilang anak, guest room para sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak at ang master bedroom kung saan natutulog sila ng kanyang mister. Mayroon din sariling balkonahe ang kanilang kwarto kung saan makikita ang napakagandang view ng kapaligiran na talaga naman super nakaka relax.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Ipinasilip din ni sarah ang kanilang napakagandang comrt room kung saan may malaking bintana sa taas na pwedeng pwede mag cloud watching o di naman kaya star gazing habang nagrerelax at naliligo.

Pagbabahagi ni Sarah na ang kanilang bahay ay may sukat na 240sqm floor area samantalang ang kanilang lote naman ay may kabuoang sukat na 1,000 sqm.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Talagang kahanga hanga ang ganda ng naipagawang bahay na ito ni Sarah at ng kanyang asawa kung saan talagang makikita dito ang bunga ng kanilang pinaghirapan at pinagpaguran sa ilang taon na pagtratrabaho.

Peek Inside this Elegant Home Stuffed with Paintings and Photography | Unique Homes | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *