Isang Pinay na Naging Tindera ng Isda, Kasambahay, Caregiver sa Hongkong Ngayon ay Milyonarya na at may Sariling Paaralan sa London, May mga hekta-hektaryang Lupain nadin na Naipundar

Tunay na hawak ng isang tao ang kanyang kapalaran, at tunay na ang kahirapan ay maaring mapalitan ng kaunlaran at kasaganahan sa buhay lalo na kung ikaw ay puno ng sipag, tiyaga at diskarte sa iyong buhay. Halimbawa na lamang nito ay ang kaunlaran ng buhay na tinatamasa ngayon ng isang babae na dating nagtitinda ng isda sa palengke, na ngayon ay hindi lamang basta nagkaroon ng masaganang buhay kundi talagang masasabi na isa na siyang milyonarya, dahil maliban sa hektaryang lupain na pagmamay-ari niya ngayon at nagmamay-ari na din siya ng eskwelahan at malaking tahanan sa bansang London.

Ang babaeng ito na dating nagtitinda ng isda sa palengke na ngayon ay isa ng milyonarya ay ang kababayan natin na si Nova Deves Fossgard na mula sa pamilya ng mga mangingisda sa Zamboanga Del Sur. Ang kanyang puno ng inspirasyon na buhay ay naibahagi sa programa ng GMA-7 na “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Ayon sa ulat, si Nova ay panganay sa anim na magkakapatid, at upang makatulong sa kanyang pamilya ay nagtinda siya noon sa palengke. Pagbabahagi ni Nova, sa kanyang naging pagtitinda sa palengke, ay doon niya naramdaman ang kahirapan.

Photo credits: KMJS | GMA

Noon pa man ay batid na ni Nova na ang pagkakaroon ng edukasyon ang maghahango sa kanya sa kahirapan, kaya naman siya ay nagsumikap na makapag-aral. Dahil sa kakaposan ng kanilang pamilya, para makapagpatuloy sa kanyang pag-aaral ay pinagsabay niya ang pagtatrabaho at pag-aaral. Pumasok siya bilang kasambahay sa kanyang lola at tita si Nova, kung saan ang kanyang sahod ay libreng tuition fee.

Photo credits: KMJS | GMA

Aminado si Nova na napakarami niyang naging pakikibaka sa kanyang pag-aaral, minsan siyang pinahinto sap ag-aaral, ngunit muli siyang nabigyan ng isa pang pagkakataon at ito ay hindi niya sinayang hanggang sa nakamit niya ang inaasam niyang diploma noong taong 1992 kung saan siya ay nakapagtapos ng kursong Accountancy.

Ngunit tila iba ang talagang nakapalaran kay Nova, dahil hindi siya nakapasa sa board exam, sa kabila nito ay nabigyan naman siya ng pagkakataon na makapagtrabaho abroad.

Nagtarabho bilang OFW ng anim na taon sa bansang Hongkong si Nova, hanggang siya ay pinalipat sa Londin para alagaan doon ang magulang ng kanyang amo sa Hongkong. Sa bansang London na nagsimulang magbago ang buhay ni Nova, at ito ay matapos niyang makilala ang naging mister niya na isang Briton na si John Fossgard, manunulat sa isang eskwelahan.

Photo credits: KMJS | GMA

Photo credits: KMJS | GMA

Paglilinaw naman ni Nova hindi ang pagpapakasal kay John ang dahilan ng kanyang pag-asenso, dahil ayon sa kanya hindi rin naging maginhawa noong una ang buhay nilang mag-asawa. Nagsimula umano ang pag-asenso nila ng isang oportunidad ang dumating sa kanila noong taong 2007, at ito ay nang alukin ang asawa ni Nova na si John na kung nais ba nitong bilhin ang school na pinagtuturuan nito.

Photo credits: KMJS | GMA

Ang naturang school na ito ay ang Purley Language College, sa London na nagtuturo ng Ingles. Dahil sa parehong interesado ang mag-asawang Nova at John sa nasabig eskwelahan, ay ibenenta ng dalawa ang ilan sa kanilang mga ari-arian at nangutang sila para mabili ang nasabing eskwelahan.

Para naman mapatakbo ng maayos ang nabiling eskwelahan, ayon kay Nova ay kinailangan nilang mag-hire ng bihasa. Matapos nga ang sampung taon ng pagtitiis at pagtitiyaga, nabayaran na nila ang kanilang mga utang at kanila na talaga ang naturang eskwelahan, kung saan mayroon na itong mahigit tatlong libong mga estudyante namula sa iba’t ibang mga bansa at accredited na din sila ng British council.

Photo credits: KMJS | GMA

Samantala, kamakailan lamang ay nagbalik Pilipinas si Nova para bumisita sa kanyang mga kapamilya, dahil aminado siyang nami-miss na din niya ang mga ito. Binista din ni Nova ang mga ari-arian na napundar niya sa Pilipinas, at sa pagbabalik niya din sa lugar na kanyang kinalakihan ay hindi niya naiwasan na balikan ang buhay niya noon.

Photo credits: KMJS | GMA

Photo credits: KMJS | GMA

Photo credits: KMJS | GMA

Sa kabila naman ng narating ni Nova ngayon sa kanyang buhay, ay hindi naman niya nakaligtaan na lumingon sa kanyang pinagmulan.

Kapuso Mo, Jessica Soho: Tindera ng isda noon, milyonaryo na ngayon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *