Isang Pamilya, nag DIY Make-Over sa Kanilang Condo at Gumastos Lamang dito ng Hindi Hihigit sa Halagang Php65,000

Sa panahon ngayon ay marami na sa ating mga kababayan ang pinipili na manirahan sa condo unit, lalo na kung maliit na pamilya lamang, halimbawa na lamang nito ay ang pamilya ni Beejay Malgapo. Dahil sa maliit lamang ang kanilang pamilya ay sa isang condo unit naninirahan si Beejay at kanyang mag-ina, at sa kabila ng hindi kalakihan ang ganitong uri ng tahanan para sa kanila ay may mga pamamaraan pa rin naman talaga na maaring magawa para mas magmukha itong malaki at malawak at ito’y sa pamamagitan ng paged-clutter nito at pagpa-renovate.

Ayon kay Beejay sa naging saad niya sa Realliving.com.ph, ngayon na mayroon na silang dalawang anak ng kanyang misis ay marami ang nagbago sa kanilang buhay, kung noon kasi ay ang panonood ng paborito nilang TV shows at movies ang madalas nilang ginagawa kasama ang kanilang anak, ngayon na dalawa na ang mga ito ay mas madalas ang nagiging playtime at hilig sa mga laruan ng kanilang mga anak.

“We’ve gone through a lot of life changes as we now have two kids. Back then, we would enjoy hours on the couch binge-watching our favorite TV shows and movies. Now, it’s all about playing music, playtime, toys, toys, and more toys,” ani Beejay.

Para magkaroon ng kaunting pagbabago sa hitsura ng kanilang condo, ay naisipan ni Beejay at ng kanyang asawa na simula ang makeover sa kanilang condo, kung saan sa journey nilang ito ay sinundan nila ang tips ng Marie Kondo’s. matapos ang ilang buwan at sa kabila ng pagbabawas na nila ng ibang mga gamit at laruan na hindi na nila ginagamit, at naging maaliwas naman ang condo ng mag-awa, ngunit sa kabila nito ay tila may kulang pa rin sa kanilang ginawa ayon kay Beejay.

“it still felt messy and chaotic. For us, a dream home is calm and inviting, with the feel of being in an Airbnb rental or hotel since we enjoy staycations”, saad pa ni Beejay.

Dahil sa talagang determinado ang mag-asawa na ma-improve ang kanilang tahanan na ito, ay nagsimulang mag-research si Beejay at kanyang misis ng mga patungkol pa sa iba pang makeover at kung magkano ang aabuting halaga halimbawang kumuha sila ng interior decorator na siyang mangunguna sa pagsasaayos at pagpapaganda ng kanilang condo.

Maswerte namang nakita ng mag-asawa ang Facebook page ng interior decorator na si Jayvee Cruz. Sa tulong at pagiging expert ni Jayvee sa pagpapaganda at pagsasaayos ng tahanan ay talaga namangna-achive ng mag-asawang Magalpo ang nais nilang ayos ng tahanan sa maikling panahon nga lamang at limitadong budget pa.

Makikita naman sa makeover na ginawa sa condo nina Beejay na mula sa dating pagkakaayos ng living area kung saan ang entertainment ay naging play space na din at nakakalat lamang ang mga laruan ng mga bata, ang una ngang ginawa ni Jayvee na pagbabago dito ay ang pagawa niya ng illusion para mag mukhang malawak ang bahaging ito ng condo.

Before

Photo credits: Realliving.com.ph

Photo credits: Realliving.com.ph

Pinuntarahan nila ang walls at ceilings ng putting pintura, at nagdadagdag sila ng sheer curtains dito para mas magmukha itong malapad at mataas. Nag-invest din si Beejay ng bagong sofa para sa kanilang living area, kung saan iang sofa na ito ay maaring maging kama. Naging karagdagan naman sa new look ng living area nina Beejay ang wall-mounted shelf kung saan naka-display ang mga décor pieces.

After

Photo credits: Realliving.com.ph

Photo credits: Realliving.com.ph

Tunay namang nakapaganda na ng living area nina Beejay dahil sa ginawa ditong renovation, makikita din na ang mga laruan ng kanyang mga anak ay hindi na nakakalat at mas naging welcoming ngang tingan ang bahagi na ito ng kanilang condo.

Before

Photo credits: Realliving.com.ph

Photo credits: Realliving.com.ph

After

Photo credits: Realliving.com.ph

Samantala, pagdating naman sa mag maliit na kusina ng condo na ito ay makikita na ang naging malaking pagbabago din na ginawa, kung saan ang dating countertop na dati ay napakaraming abobot na nakalagay ngayon ay mas malinis na itong tingnan. Masisilayan din na mas naging organize ang cabinet dito.

Before

Photo credits: Realliving.com.ph

After

Photo credits: Realliving.com.ph

Sa kabuaan ay talaga namang makikita ang malaking pagbabago sa condon nina Beejay, at ito ay dahil sa pagiging mahusay ng interior decorator na tumulong sa kanila. Ayon pa sa ulat, halos hindi hihigit sa Php65K ang nagastos nina Beejay sa pag-achieve ng welcoming at napaka-aliwalas na nilang tahanan ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *