Isang OFW sa Taiwan Ipinagmamalaking Ibinahagi ang Napakagandang Resulta sa Ginawang Renovation sa Kanyang 44sqm na Tahanan

Marami sa mga kababayan natin na nagtatrabaho sa ibang bansa ay pangunahing ‘goal’ ay ang makapagpundar ng kanilang sariling tahanan. Ang iba ay maswerteng nakakabili ng lupa at nakakapagpagawa ng tahanan sa probinsya dahil sa pagiging isa nilang OFW sa ibang bansa, at mayroon namang iba na mas pinili na bumili ng tahanan sa isang subdibisyon o housing developers.

Batid naman natin na karamihan sa mga bumibili ng bahay sa loob ng subdibisyon o housing developers ay mas minabuti na ipa-renovate ang nabili nilang tahanan para ito ay mas umayon sa gusto at pangarap nilang disenyo ng bahay. Nagiging posible naman ang maging napakaganda at moderno ng isang simpleng tahanan sa tulong ng mga mahuhusay na contractors.

Samantala, sa Facebook group na Home Buddies ay isang OFW ang kamakailan lamang ay buong pagmamalaking ibinahagi ang napakagandang resulta ng naging renovation ng kanyang 44sqm na tahanan, kung saan mula sa pagiging simple nito ay nagmukha itong isang ‘luxurious home.’

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Ayon sa OFW na kinilalang si Dino Carlo Manalastas Abella, ang naturang raw house ay binili nila ng kanyang fiancée, ay sa tulonng ng kanilang contractor, mula nga sa pagiging isa nitong simpleng tahanan, ngayon ay napakaganda at nagmukha na itong luxurious na bahay na matatagpuan sa mga mamahalin at bigating subdibisyon.

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Pagbabahagi pa ni Abella, kahit na napakaliit lamang ng kanilang unit na ito sa APEC Homes na may sukat na 44 sqm ay nagmukha naman itong malawak at malaki nang isagawa ang renovation.

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Aniya pa, bawat bahagi ng naturang bahay ay talaga namang napakinabangan nila, katulad na lamang ng espasyo sa may ilalim ng hagdan, kung saan ito ay ginawang home office na mayroong mga built-in cabinets.

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Tunay namang napakaganda ng naging reulta ng renovation na ginawa sa basic na tahanan ng OFW na si Abella, kung saan ngayon ay makikita na ang kanyang tahanan ay napaka-moderno na. Maliban pa sa pagiging modern nito ay mayroon din itong stylish at minimalist na tema. Mas nagmukha din itong malawak dahil sa marble-inspired tiles na ginamit sa flooring nito.

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Hindi lamang ang pagiging moderno at minimalist ng bagong renovate na tahanan na ito ang nakakamangha, dahil napakaganda rin ng modern kitchen nito at ang karagdagan pa na napaka-cute na laundry area, na ayon kay Abella ay extension na ng kanilang tahanan.

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Photo credits: Dino Carlo Manalastas Abella | Facebook

Umabot naman umano sa milyon ang nagastos na halaga sa ginawang renovation na ito sa tahanan ng OFW.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *