Isang OFW sa Singapore Nagpatayo ng Isang PBB-Inspired na Bahay na may Malawak na Garden na Punong Puno ng mga Nagagandahang Halaman at Bulaklak

Napakarami na ngayon ang mapapanuod na palabas sa telebisyon kung saan ipinapakita ang iba’t ibang naggagandahan at kakaibang mga bahay. Ang ilan sa mga ito ay mayroong tradisyunal at modernong disenyo samantalang ang iba naman ay base sa mga bagay na kinahihiligan ng mga may-ari.

Talagang perpekto ang mga palabas na ito para sa mga homeowners upang magkaroon sila ng ideya para sa kanilang sariling bahay at upang masiguro nilang magiging maayos ang pagpapatayo ng kanilang bahay gamit ang pera na kanilang pinaghirapan.

Para naman sa OFW mula sa Singapore na si Marimar Selvino, isang lokal na reality TV show ang kaniyang naging inspirasyon sa pagpapatayo ng kaniyang dream house. Kilala na rin ngayon ang simpleng bahay na ito bilang “Bahay ni Ate” dahil hango ito sa sikat na sikat na Pinoy Big Brother house.

Photo credits: Marimar Selvino | Facebook

Gaya ng PBB house, kulay asul at dilaw ang bahay na ito. Upang maging mas maganda naman ang panlabas na itsura ng bahay, naglagay sila ng makukulay na bulaklak sa paligid nito. Bukod sa mga bulaklak na ito, mayroon ding napakagandang garden na matatanaw mula sa porch ng bahay.

Makikita rito ang iba’t ibang uri ng halaman na walang dudang kaaaliwan ninuman.

Photo credits: Marimar Selvino | Facebook

Dagdag pa sa pagtanaw ng magandang tanawin na nakapaligid sa bahay, marami pang maaaring magawa sa porch ng PBB-inspired house na ito. Dahil sa lawak nito, maaaring makapaglagay ng mga upuan at mesa na magsisilbing pahingahan ng pamilya o kaya naman ay receiving area para sa kanilang mga bisita.

Pagdating naman sa loob ng “Bahay ni Ate”, makikita pa rin ang kulay asul at dilaw dito. Siniguro din nilang bagay sa mga kulay na ito ang kulay ng kanilang mga mwebles at dekorasyon.

Photo credits: Marimar Selvino | Facebook

Photo credits: Marimar Selvino | Facebook

Kumpara naman sa totoong “Bahay ni Kuya”, mas maliit ang bahay na ito kaya naman kinailangan nilang pumili ng angkop na mga furnitures upang maiwasan na maging masikip ang kanilang common areas.

Photo credits: Marimar Selvino | Facebook

Siniguro din nila na maaaring magamit ang mga sofa bilang karagdagang kama kung sakaling magkaroon sila ng maraming mga bisita.

Photo credits: Marimar Selvino | Facebook

Bagamat limitado lamang ang sukat ng bahay na ito, umabot pa rin sa PhP1.2 million ang nagastos ni Marimar upang maipatayo ang kaniyang dream house.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *