Isang OFW Nakapagpundar ng Napakaganda at Magarbong Tahanan Bunga ng Sakripisyo at Pagtatiyaga Niyang Magtrabaho sa Bansang Saudi Arabia

Marami tayong mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa, at ang tawag sa kanila ay ang mga Overseas Filipino Worker (OFW). Sila ay ang mga kababayan natin na nakipagsapalarang kumayod sa ibang bansa at nagsakripisyong malayo sa kanilang pamilya na nandito sa Pilipinas, dahil sa pagbabakasakali nila na sa ibang bansa nila makakamit ang pinapangarap nilang tagumpay at pag-asenso sa buhay.

Ngunit batid natin na hindi naman talaga madali ang maging isang OFW, at hindi lahat ng nangingibang-bansa para doon ay makipagsapalaran ay nakakamit ang kanilang pangarap na asenso at tagumpay. May iba pang OFW na nagsasabing sa kabila ng kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa, ay hindi pa rin ganoon kadali para sa kanila ang mag-ipon at makapagpatayo ng kanilang dreamhouse.

Photo credits: Louie Alvaro Diwa / Facebook

Sa kabila nito, may iba pa ring mga OFW na nagagawang makapagpundar ng mga bagay na kanilang pinapangarap, tulad ng dream house, halimbawa na lamang nito ay ang isang kababayan nating OFW na natupad na ipatayo sa isang napakagandang farm ang dream house na pinapangarap niya dahil sa pagtatiyaga niyang magtrabaho sa bansang Saudi Arabia.

Photo credits: Louie Alvaro Diwa / Facebook

Proud na ibinahagi ng OFW na si Louie Alvaro Diwa ang napakaganda, malaki at magarbong tahanan na naipundar niya dahil sa kanyang pagsasakripisyo at sa pagiging matipid niya sa bawat sentimong kinikita niya. Tunay na ‘fulfillment’ para sa isang OFW na tulad niya ang maipundar ang pangarap niyang tahanan.

Sino ba naman ang hindi nangangarap na magkaroon ng malaki, magarbo at magandang bahay diba? Kaya naman talagang napakasaya at puno ng fulfillment si Louie dahil sa naipundar niyang dream house.

Photo credits: Louie Alvaro Diwa / Facebook

Ang tahanan na naipundar ni Louie ay isang magarbo at malaking tahanan na mayroong contemporary design. Mas naging napakaganda pa ng exterior nito dahil sa accent na inilagay sa exterior nito na ‘stone-inspired’, idagdag pa ang railings nito na gawa sa steel.

Photo credits: Louie Alvaro Diwa / Facebook

Kagandahan pa sa tahanan na ito ay ang pagiging elevated nito ng ilang metro sa lupa, kaya naman kahit na one-story house lang ito ay tila naging mataas at malaki pa ito tingnan lalo. Mapapansin naman na ang interiors nito ay nakukulayan ng white, samantala beige naman ang kulay ng exterior.

Hindi lamang naman ang exterior ng tahanan na ito ng OFW ang hahangaan, dahil maging ang disenyo nito sa loob at mga kagamitan ay tunay ding napakaganda at kahanga-hanga tulad na lamang ng malaking sectional sofa sa living area na maari ring maging isang higaan kung kinakailangan ng extrang tulugan kapag mayroong bisita.

Photo credits: Louie Alvaro Diwa / Facebook

Maliban pa sa magandang sofa, ay mayroon ding lovely seiling ang interior ng tahanan na ito at makikita rin dito ang napakalaking telebisyon na naka-mounted sa wooden wall.

Photo credits: Louie Alvaro Diwa / Facebook

Tunay ding kahanga-hanga at napakalawak ng kitchen at dining area ng tahanan na ito, at ito rin ay may modernong disenyo.

Photo credits: Louie Alvaro Diwa / Facebook

Ayon naman sa ulat, ang ganitong magarbo at malaking tahanan ay maaring umabot ang halaga sa Php2.8 milyong piso.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *