Isang OFW, Ibihagi Kung Paano Niya Na-Achieve ang Pangarap Niyang Aesthetic Feels Home sa Kanyang Tiny Semi-Furnished Room

Marahil marami sa atin ang tagasubaybay dito sa Facebook group page na Home Buddies, kung saan ay nakakakita tayo ng iba’t iba at magagandang disenyo at pagkakaayos ng mga tahanan. Sabi pa ng iba, sa Facebook page na ito ay marami kang makikita na makaka-budol sayo, dahil na rin sa mga ideya na nakikita sa kung paano ayusin at pagandahin ng mga miyembro nito ang kani-kainilang tahanan.

Madalas na ang nakiita natin sa Home Buddies ay mga naglalakihang bahay na mayroong mga magagandang interior design, ngunit mayroon din namang mga miyembro dito na ipinagmamalaking ibinabahagi ang kanilang tahanan na kahit simple, maliit ay nagagawa pa rin naman nilang ma-achieve ang maka-home buddies na pagkakaayos ng bahay.

Samantala, isa sa mga nauuso ngayon sa loob ng isang bahay ay ang Aesthetic na dating, at nito lamang nakaraan ay isa namang OFW ang proud na ibinahagi sa Home Buddies ang naging pag-achieve niya ng mala-home buddies at aesthetic feels na bahay kahit na maliit lamang ang kanyang inuupahan na semi-furnished room.

“Living in a very tiny space dahil sa mahal ng rent pero gusto paring ma-achieve ang eystetik feels mala-home buddies ang peg?? Why not?!
“Presenting my IKEA Bohemian Theme Inspired Crib ”, ang proud na saad ng OFW na may Facebook name na En Bee Jee Jay.

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Ayon pa sa OFW na si En Bee Jee Jay, bilang isang Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa isa sa mga talagang struggles ay ang hindi birong halaga sa pag-rent ng tirahan, dahil tipong ‘yong bed space o partitioned room pa lamang ay inaabot na ang halaga ng kad buwang upa sa Php10,000 hanggang Php17,000.

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Sa kabila ng hindi birong halaga ng pag-upa, ay pinili umano niya ang mag-solo, ito ay dahil sa kanyang pagiging isang introvert o ‘yong tipo ng tao na may sariling mundo. Aminado naman siya na medyo masakit sa bulsa ang mangupahan ng solo, ngunit mas panatag naman umano ang kanyang loob at kaisipan dahil sa malayo siya sa mga stimulants na nakaka-trigger sa kanya bilang isang introverts.

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Sa pagbabahagi pa niya, ang kanyang inuupahan ay isang semi-furnished room, at ito ay hindi niya inaasahan na matagpuan. Dagdag pa niya, napakaliit lamang nito na ang sukat ay para isang normal na kwarto lamang na pinilit lang lagyan ng maliit na kusina at banyo.

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Pag-amin pa ni En Bee Jee Jay bilang isang OFW noong una talaga ay hanggang tingin lamang siya sa mga nakikita niyang pag-flex ng mga nagpo-post sa Home Buddies, pero talagang pangarap niya din na mai-apply ang mga nakikita niyang design at ideas sa sarili niyang space. Bilang isa namang OFW aminado siya na hindi ganu’n kadali, lalo na’t nakakapanghinayang na gumasyos at mag-effort lalo na at nangungupahan lamang naman siya.

Ngunit sa huli ay na-realize niya na, “Pero sabi nga, life is short. Do what makes you happy. Kung hindi ngayon, eh kelan? So pinush ko paunti-unti hanggang sa ma-achieve..”

Unti-unti nga niyang sinimulan ang pag-achieve sa pangarap niyang aesthetic home, at dahil numero uno siyang kuripot, inunan niyang magbawas at ibenta ang mga gamit niya na sa tingin niya ay hindi niya na kinakailangan para sa theme na gusto niyang gawin sa kanyang silid. Gamit ang kanyang kinita sa pagbebenta ng mga luma niyang gamit, ay itoo naman ang ipinambili niya ng mga second hand na IKEA items.

“Para makatipid, dahil numero uno akong kuripot, sinimulan ko sa pagbabawas at pagbebenta ng mga gamit ko na sa tingin kong hindi babagay sa iniisip kong theme. Yung kinita ko dun, pinangbili ko ng second hand IKEA items.”

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Ayon pa sa kanya, kaya mga IKEA items ang napili niya dahil if ever na gusto na niyang mag for good, ay mabilis lamang niya maibebenta ang mga ito.

“Why I targeted IKEA items? Para pag mag-fo-for good na ko, mabilis kong maibebenta kasi nga IKEA. Alam nyo naman ang hype ng IKEA deevah? (Mindset ba kamo? Mindset? Hahaha)”

Mas nakatipid din siya sa gamit na kinakailangan niya para sa pangarap niyang aesthetic room na may Bohemian theme dahil sa pag-aabang niya sa marketplace sa middle east. Dagdag pa niya, ang kagandahan sa nasabing bansa ay may mga gamit ka na pwedeng mabili nab ago at maayos pa kahit gamit na, dahil sa ang mga dugong Maharlika na nakatira doon ay madalas na magpalit ng mga furniture lalo nap ag pinagsawaan na nila.

Photo credits: Home Buddies | Facebook

“Luckily, dito sa middle east, dahil dugong maharlika ang karamihan sa nakatira, madalas silang magpalit ng mga furniture at magbenta ng mga pinagsawaan nilang gamit sa sobrang murang halaga. Kaya I patiently hunt sa marketplace at kung saan-saan just to get these stuff.”

Dagdag pa niya, “Yung iba dyan, libre ko pang nakuha Kaya ayan! After patiently hunting and collecting stuff, nabuo narin ang pinapangarap kong bohemian inspired room na pang home-buddies ang datingan! Pwede naba? ”

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Makikita naman sa mga ibinahagi niyang larawan kung gaano kaganda ang kanyang silid ngayon, at talagang na-achieve niya ang pangarap niyang bohemian inspired room, magmula sa living area, dining, small kitchen, at comfort room.

Sa mga naghahanap naman kung saan siya natutulog, ayon kay En Bee Jee Jay, ang nabili niyang IKEA (Neiden) wood single bed na sofa sa umaga ay siyang nagsisilbing tulugan niya sa gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *