Isang Netizen, Proud na Ibinahagi ang Kanyang Naipatayo na 2-storey Nipa Hut House na Mayroong Sari-sari Store sa Halagang Php25k

Mapapansin natin ngayon na kung minsan, kinakailangan pa ring maglabas ng malaking halaga kahit sa pagpapatayo ng mga simpleng tahanan gaya ng bahay kubo. Dahil dito, talagang nakakabilib ang homeowner na ito na nakapagpatayo ng kaniyang sariling tahanan gamit ang halagang PhP25,000 lamang.

Ayon sa netizen na si Diana Mamon na nagbahagi ng nakakabilib na bahay na ito, mayroon itong dalawang palapag at gawa sa kahoy ang lahat ng materyales na ginamit para sa pagpapatayo nito kaya naman talagang kasyang-kasya ang PhP25,000 para sa konstruksyon nito. Dagdag pa niya, mag-isang naninirahan sa two-storey tiny house na ito ang kaniyang kapatid kaya naman bagamat maliit ang sukat ng bahay ay tamang-tama ito sa kaniya.

Photo credits: Diana Mamon | Facebook

Sa katunayan, nakapaglaan pa sila ng sapat na espasyo sa unang palapag ng bahay para sa munting hanap-buhay ng kaniyang kapatid.

Photo credits: Diana Mamon | Facebook

Kung makikita nga ang espasyo para sa sari-sari store, mapapansin na dahil sa limitadong espasyo ay siniguro nilang organisado ang mga kagamitan dito. Naglagay sila ng mga shelf sa dingding para sa ilang mga paninda.

Photo credits: Diana Mamon | Facebook

Maging ang kisame ay ginamit din nila upang makatipid sa espasyo. Dahil dito, nagkaroon pa sila ng karagdagang espasyo kaya naman nakapaglagay pa sila ng isang maliit na refrigerator.

Photo credits: Diana Mamon | Facebook

Sa ikalawang palapag ng bahay ay ang loft bedroom na maaaring mapuntahan gamit ang isang hagdan. Mayroon din itong trap door pagdating sa ikalawang palapag na nagsisilbing karagdagang seguridad lalo na at nag-iisa lamang dito ang homeowner.

Photo credits: Diana Mamon | Facebook

Mapapansin naman sa kwartong ito na mayroon itong sapat na espasyo upang maging pahingahan ng isa hanggang tatlong tao ngunit dahil nag-iisa lamang dito ang kapatid ni Diana, maaari pa siyang makapaglagay ng mesa o kaya naman ay ibang kagamitan dito. Hindi rin mawawala sa loft bedroom na ito ang storage spaces para sa mga personal na kagamitan ng homeowner.

Photo credits: Diana Mamon | Facebook

Photo credits: Diana Mamon | Facebook

Bukod sa simple ngunit komportableng kwarto na ito, isa rin sa kakaibang parte ng bahay ay ang balcony na maaaring mapuntahan mula sa kwarto. Mula sa balcony na ito ay makikita ang napakagandang view ng kanilang lugar.

Photo credits: Diana Mamon | Facebook

Bukod sa hammock na makikita rito ay maaari pang makapaglagay ng upuan o mesa rito kaya naman masasabi na mayroon itong sapat na espasyo. Talagang komportable ring makakapagpahinga rito ang sinuman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *