Isang Netizen Ibinahagi ang Kanyang Simple Pero Napakagandang Half-Concrete Half-Amakan Dream House Kung Saan Gumastos Lamang Siya Dito ng Php150k

Sa panahon ngayon na halos lahat ng bilihin ay hindi na biro ang halaga, ay tunay na hindi na madali para sa isang pamilya ang makapagpatayo ng tahanan lalo na kung ang hawak mo lang na budget para rito ay maliit na halaga lamang.

Ngunit sa kabila nito, alam niyo ba na sa halagang Php150,000 ay may isang uri ng tahanan na maaring maipagawa ang isang pamilya, kung saan sila ay makapaninirahan ng maayos at kumporatable. Katulad na lamang ng tahanan na ibibida natin ngayon, ito ay isang katutubong tahanan na may pagka-moderno.

Batid natin na ang katutubong tahanan ay gawa sa kawayan at iba pang mga kahoy katulad na lamang ng coco lumber, ngunit ang tahanan na ibibida natin ngayon ay mas pinatibay at mas pinagandang klase ng katutubong tahanan dahil sa ang ibabang bahagi nito o pinaka-base ay kongkreto samantala ang dingding naman nito ay gawa sa Amakan at kawayan.

Photo credits: Katherine F. Soquilon | Facebook

Ang mga katutubong tahanan na tulad nito ay mas nakakatipid din sa pintura, dahil ang exterior nito ay maaring hindi mo na pinturahan at mas maganda pa tingnan kapag natural lacquer lang ang ipininta. Mas pinapatagal at pinapatibay din nito ang Amakan.

Photo credits: Katherine F. Soquilon | Facebook

Makikita sa larawan na sa kabila ng pagiging isang katutubo nitong tahanan ay may pagka-moderno ito, sa kagustuhan din ng may-ari nito na mag-upgrade ang dating ng tahanan niyang ito. Isa sa mga nagpa-moderno dito ay ang pagkakaroon nito ng base na kongkreto, beranda nito na may steel tubes railings at ang mga bintana nito na sliding glass.

Photo credits: Katherine F. Soquilon | Facebook

Pagpasok naman sa tahanan na ito ay mapapansin dina ng modernong interior nito, kung saan ipina-double walling ito ng may-ari at pininturahan ng puti ang walling para ito ay mas maging maaliwalas at eleganteng pagmasdan.

Photo credits: Katherine F. Soquilon | Facebook

Photo credits: Katherine F. Soquilon | Facebook

Photo credits: Katherine F. Soquilon | Facebook

Dahil sa pagiging moderno at elegante ng tahanan na ito, ay hindi makapaniwala ang ilang mga netizens na ito ay inabot lamang ang pagpapagawa sa halagang Php150k. Isa pa sa talagang kinabibiliban nila sa tahanan na ito, ay ang nagawa ng may-ari ang ma-preserve ang native theme nito.

Photo credits: Katherine F. Soquilon | Facebook

Sinong mag-aakala na sa halagang Php150k ay maari ka na din magkaroon ng ganito kaganda, ka-moderno at ka-eleganteng tahanan, sa kabila ng hindi ito malaki, ay maayos at kumportable niyo naman itong matitirhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *