Isang Misis Proud na Ibinahagi ang Kanilang Bago at Napakagandang Staycation Villa na Nabudol niya sa Kanyang Asawa na Isang Silent Reader sa Facebook Group na Home Buddies

“From automatic washing machine to swimming pool real quick”, ito ang kaagad na bungad ng isang mommy sa ibinahagi niyang post sa Facebook group page na Home Buddies. Tila nga isa siya sa mga mommy na talaga namang sumusubabay sa Home Buddies Facebook group na nabudol na din ng mga magagandang ideya at mga disenyo na makikita sa nasabing FB group page.

Photo credits: Anne Garcia | Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Anne Garcia | Home Buddies Facebook Group

Base sa FB post ng mommy na kinilalang si Anne Garcia, siya at ang kanyang asawa ay silent reader at tagasubaybay ng Home Buddies. Tulad ng ilang mga kababayan natin na madalas ding nagba-browse sa nasabing FB group page, si Anne at ang kanyang mister ay may mga naipundar na din, na nakuha nila ang ideya sa Home Buddies o kung tawagin pa ng mga Ka-HB (ka-home buddies) ay ‘budol’.

Ayon kay Anne ang pinaka-unang budol nila sa Home Buddies ay ang kanilang automatic washing machine, at ang pinaka-latest naman na talagang ipinagmamalaki niya at labis na nagbigay kasiyahan sa kanilang pamilya lalo na sa mga anak nila ay ang ikalawang budol nila at ito ay ang kanilang swimming pool.

Photo credits: Anne Garcia | Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Anne Garcia | Home Buddies Facebook Group

“Share ko lang ang aming bagong tapos na Staycation Villa… Shatawt sa hubby kong silent reader ng homebuddies! Wag kang magleave please, 2nd budol palang to, kaya pag-ipunan na ‘yong pang 3rd waaaah”, saad pa ni Anne sa kanyang naging post.

Dahil sa pagiging silent reader ng mister ni Anne sa homebuddies ay nagka-ideya ito na magpagawa ng pool sa loob ng kanilang bakuran, at nang ito ay matapos ay tila nga sila ay nasa isang staycation villa dahil sa napakagandang resulta nito.

Photo credits: Anne Garcia | Home Buddies Facebook Group

Makikita naman sa ibinahagi niyang larawan kung gaano kaganda ang swimming pool nila na mayroon pang parang tila isang water falls. Masisilayan din na ang kanilang mga anak ay enjoy na enjoy na sa pagsi-swimming sa kanilang pool.

Photo credits: Anne Garcia | Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Anne Garcia | Home Buddies Facebook Group

Ibinahagi rin ni mommy na si Anne na tulad ng ilang mga home owner na member ng home buddies, ay excited na din siya na maibahagi sa mga ka-home buddy ang kanilang magiging tahanan na ayon sa kanya ay pinag-iipunan pa nila sa ngayon ng kanyang mister ang magiging future home nila.

Photo credits: Anne Garcia | Home Buddies Facebook Group

Sa huli ay pabiro namang sinabi ni Anne na huwag mahiyang mang-budol, lalo pa’t mayroon nga tayong kasabihan na ‘Happy Wife, Happy Life’.
Isa ka rin ba sa tagasubaybay ng homebuddies? Ano ang isa sa mga latest budol mo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *