Isang Makitid na Bahay na May Simpleng Disenyo sa Labas, Mala Mini Resort at Hotel pala ang Itsura sa Loob

Kung titingnan mula sa panlabas na itsura ng bahay, aakalaing isa lamang ito sa mga napakaraming moderno ngunit ordinaryong tahanan ngayon. Bukod sa maliit nitong sukat, hindi rin kapansin-pansin ang napiling kulay ng pintura ng bahay. Ngunit kaiba sa itsurang ito, may itinatagong ganda pala ang bahay na ito na makikita sa loob.

Pagpasok pa lamang sa bahay ay mapapansin na ang puting kulay nito. Bagamat simple lamang ang kulay na ito, nababalanse naman ito ng mga dekorasyon at mwebles ng bahay. Ilan nga sa mga ito ay ang mga naglalakihang indoor plants sa bawat sulok ng tahanan.

Makikita rin ang ilang furnitures na gawa sa kahoy. Dahil sa mga ito, masasabing mayroong tropikal na tema ang bahay.

Punong-puno rin ng iba’t ibang paintings at minimalist na mga ilaw ang paligid ng bahay kaya naman nagmumukha pa rin itong elegante. Pagdating naman sa kusina, makikita pa rin ang mga paintings at dining table na gawa sa kahoy.

Pinanatili rin nila ang tropikal at minimalist na tema sa mga pribadong kwarto at mala-hotel na comfort room. Bukod sa kagandahan ng loob ng bahay, mapapansin na bagamat makitid ito, mukhang napakalawak pa rin ng loob ng bahay dahil sa open layout nito.

Mula rin sa naglalakihang glass windows ng mansyon ay matatanaw ang isang napakaganda at mala-resort na courtyard.

Mayroon itong konkretong espasyo na mayroong upuan kung saan maaaring makapagpahinga ang homeowner. Maaari din siyang magtampisaw sa napakaganda at kakaibang swimming pool.

Mapapansin na napalilibutan din ng iba’t ibang halaman ang paligid ng courtyard na ito. Para naman sa seguridad ng may-ari o ng kaniyang pamilya at mga bisita, mayroong mataas na bakod sa paligid ng buong property kaya naman nakasisiguro sila na pribado ang bahay na ito.

Dahil sa kakaibang features ng bahay na ito, walang duda na talagang makakapagrelax nang husto ang may-ari at ang kaniyang pamilya. Dagdag pa rito, maaari din nilang samantalahin at gawing pahingahan ang courtyard at swimming pool. Swak na swak din ito para sa kanilang mga party o simpleng selebrasyon.

Talagang posibleng magkaroon ng magandang tahanan anuman ang sukat nito basta’t paiiralin lamang ang pagiging malikhain at pagiging bukas sa iba’t iba at bagong mga ideya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *