Isang Madiskarteng Pinay Nars sa Amerika, Ginawang Garden ang Kanyang Bakuran at Nagtanim ng mga Gulay at Prutas dito, Nagsagawa din siya ng Talipapa Days

Ang mga Pinoy ay hindi lamang kilala sa pagiging mapagpatuloy o ‘hospitable’, hinahangaan din ang mga Pinoy sa pagiging ‘resourceful’ o mapamaraan.
Isang Pinay nurse sa bansang Amerika ang nagpatunay kung gaano mapamaraan ang mga Pinoy, ito ay matapos niyang gawing pagkakakitaang negosyo ang bagay na kanyang kinahihiligan. Ang Pinay nurse na ito ay nakilalang si Mia Uy, kung saan ang kanyang backyard sa tahanan niya sa bansang Amerika ay ginawa niyang garden na ngayon ay isa na sa mga pinagkukunan niya ng extra income.

Photo credits: Mia Uy | Youtube

Photo credits: Mia Uy | Youtube

Ayon sa ulat ni Vina Medenilla ng Manila Bulletin, nagagawang kumita ni Mia mula sa mga tanim niya sa kanyang garden dahil sa pagsasagawa niya ng ‘talipapa days’ kung saan dito niya ibenebenta ang bunga ng mga tanim niya sa kanyang garden.

Photo credits: Mia Uy | Youtube

Photo credits: Mia Uy | Youtube

Samantala, ibinahagi naman ng Pinay nurse na si Mia kung paano nagsimula ang hilig niya sa pagtatanim. Ayon sa kanya lumaki siya sa probinsya sa Camiling, Tarlac at sa kanyang paglaki ay nasubaybayan niya ang hanapbuhay ng kanyang mga magulang at ito ay ang pagtatanim ng iba’t ibang mga pananim sa kanilang sakahan.

Photo credits: Mia Uy | Youtube

Nakuha umano ni Mia sa mga magulang niya ang hilig niya sa pagtatanim, kaya naman kahit na naninirahan na siya sa ibang bansa, ay hindi pa rin nawala sa kanya ang hilig niyang ito hanggang sa simulan nga niya ang pagtatanim ng mga gulay at prutas sa likod-bahay ng kanyang tahanan sa Amerika.

Photo credits: Mia Uy | Youtube

Pagbabahagi ni Mia ang likod-bahay ng kanyang tahanan sa Amerika ay mayroong sukat na 208-sqm at dito siya nagtanim ng iba’t ibang mga uri ng gulay at prutas katulad na lamang ng ampalaya, kangkong, sitaw, kamote, saluyot, upo, sigarilyas, kamatis, okra at iba pang mga tropikal na pananim. Maliban pa dito, ay mayroon din umano siyang mga tanim na grapes, cherries, figs, persimmons at iba pang fruit tree sa kanyang likod-bahay.

Photo credits: Mia Uy | Youtube

Photo credits: Mia Uy | Youtube

Photo credits: Mia Uy | Youtube

Photo credits: Mia Uy | Youtube

Photo credits: Mia Uy | Youtube

Aminado naman ang Pinay nurse na malaking hamon para sa kanya ang makapagpalago ng mga tropikal na pananim sa Maryland, USA dahil na din sa klima dito, ngunit dahil sa kanyang determinasyon ay nagawa niyang mapalago ang mga itinanim niya. Saad pa niya, itinatanim niya ang mga tropikal na pananim niya sa panahon ng tag-init sa Amerika, at ito ay nasa buwan ng Abril hanggang Oktubre, at dito niya nagawang palaguin ang mga ito. Dagdag pa ni Mia, para malago ang kanyang mga pananim ay rainwater ang ginagamit niyang pangdilig sa mga ito at gumagawa din siya ng mga organic fertilizer na gawa sa manure at mga compost.

 

Photo credits: Mia Uy | Youtube

Para naman kumita mula sa mga bunga ng kanyang mga pananim, ay nagsagawa si Mia ng ‘talipapa days’ na ginagawa niya dalawang beses kada linggo. Ayon pa sa kanya, ang kanyang ginaawang ‘talipapa days’ ay talaga namang pumatok lalo na sa mga kapwa niya Pinoy sa nasabing bansa. Dahil din dito ay nagagawa niyang kumita ng $700 hanggang $900 o nasa halagang P40,000 hanggang P50,000.

Photo credits: Mia Uy | Youtube

Masaya namang ibinahagi ni Mia na dahil sa magandang kita niya mula sa mga naging tanim niya sa kanyang garden ay nagawa na niyang makapag-invest ng tatlong lupaing sakahan sa Pilipinas.

Photo credits: Mia Uy | Youtube

Samantala, maliban sa kanyang pagiging isang nurse at matagumpay na entrepreneur sa Amerika, ay sinimulan din ni Mia Uy ang kanyang YouTube channel, kung saan dito niya ibinabahagi ang mga payo at kaalaman niya sa kung papaano ang pagma-manage ng garden, pagpapalagi ng mga various crops at sa kung paano din kumita ng extra income.

Photo credits: Mia Uy | Youtube

Sa isang vlog ni Mia, ay ibinahagi niya kung ano ang mga dapat i-consider kapag ang nais mong negosyo ay ang pagbebenta ng iyong produkto. Ayon sa kanya, una sa lahat ay mahalaga na mayroon kang market at dapat ay may magandang kalidad ang produktong iyong ibebenta.

“Kapag nakaisip kayo ng gustong ibenta, dapat meron kayong market,”payo ni Mia.

Mariin ding ibinahagi ni Mia kung gaano kahalaga sa panahon ngayon ang pagkakaroon ng extrang pagkakakitaan.

“Sa panahon ngayon, kailangan natin ng extra pagkakakitaan para makatulong tayo sa ating pamilya. Kailangan lang natin maging masipag, matiyaga at madiskarte,” saad niya.

Ang Aming Bakuran at Talipapa | Tinderang Pinay sa Maryland

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *