Isang Estudyante Ibinahagi ang Kanyang Nakakabilib na Kwento Kung Paano niya Namaintain ang kanyang Grades at Naging Cum Laude Kahit walang Internet para sakanyang Online Class

Noong nakaraang buwan ng Hulyo ay muli na naman nating natunghayan ang pagtatapos ng napakaraming mga mag-aaral sa iba’t ibang panig ng ating bansa at sa taong ito din nagtapos ang unang batch ng mga mag-aaral ng K-12 o senior high school.

Ang 22-taong gulang na estudyante na si Maria Clarizza Masangkay na mula sa Cavite ay isa lamang sa mga unang batch ng mag-aaral na sumailalim sa K-12 o senior high school program na nagtapos ng kolehiyo ngayong taon. Siya ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Psychology sa Emilio Aguinaldo College (EAC) Cavite campus na may parangal na Magna Cum Laude noong ika-7 ng Hulyo 2022.

Photo credits: Clarizza Masangkay – Facebook

Ibinahagi naman ni Clarizza na sa likod ng mataas na parangal na nakamit niya sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo ay hindi nagin madali ang kanyang pinagdaanan lalo na ang buhay niya bilang isang estudyante sa kolehiyo.
Noong ika-23 ng Hunyo ay nakapanayam ng Philippine News Agency si Clarizza at dito ay ikinuwento ng dalaga kung paano siya nahirapan sa naging sistemang online class, sa halip na face-to-face class dahil sa pagkakaroon ng pandemya sa ating bansa.

Photo credits: Clarizza Masangkay – Facebook

Ayon kay Clarizza hindi madali ang online class para sa tulad niya na walang internet provider sa tahanan, at ang tanging ginagamit lamang nga niya ay ang kanyang cellphone para maka-attend ng kanyang online class.

“During that time, we were not a subscriber of any Internet provider, and I only had my phone as a tool for attending classes.”

Ibinahagi din ng dalaga na noon ay halos maiyak na siya dahil sa nararamdamang frustration lalo na ng masira ang kanyang cellphone, idagdag pa ang wala talagang computer shop na nag-o-operate nu’n dahil sa pandemya.

“Computer shops were unable to operate because of the sudden surge in COVID-19 cases.”

“There are times that I would cry in frustration as my phone shuts down due to overheating as a lot of apps were operating while the data was on during class discussions.”

Para hindi mahuli sa klase at makasabay sa online class ay nagdesisyon si Clarizza na humanap ng part-time job, para makaipon ng pangpakabit ng internet connection. Batid kasi ni Clarizza na hindi sasapat ang kinikita ng kanyang mga magulang para sa dagdag na gastusin na tulad ng internet connection.

Photo credits: Clarizza Masangkay – Facebook

Natanggap si Clarizza bilang isang Enlish online teacher sa Secon Languange (ESL) at kasabay nga ng pag-aaral niya ay nagtrabaho siya. Sa umaga pumapasok siya sa eskwela at pagsapit ng 6 p.m ay dumu-duty naman siya sa trabaho hanggang 11 p.m.

Photo credits: Clarizza Masangkay – Facebook

Sa trabaho na ito ng dalaga ay nagagawa niyang kumite ng Php8,000 at malaking tulong ito para sa kanila. Ayon sa kanya ang kanyang sinasahod ay napupunta sa internet bills at pandagdag groceries nila. Hindi rin naman niya nakakaligtaan na maglaan para sa kanyang sarili, kung saan Php2,000 ng sahod niya ang napupunta sa kanya.

Dahil sa isang iskolar si Clarizza, ay aminado siya na hindi madali na pagsabayin ang trabaho at eskwela, may mga pagkakataon na gusto na talaga niyang sumuko, ngunit may tatlong babae sa kanyang buhay na siyang naging inspirasyon niya para magpatuloy at ito ay ang kanyang Lola, ate at mama.

Ang kanyang Lola Glo, ate Mary at Mama Marianne ang naging sandalan at inspirasyon ni Clarizza na patuloy na maging matatag at pagbutihin ang kanyang pag-aaral, kaya naman dahil sa kanyang pagsususmikap at pagpupursige ay nagtapos siya ng may flying honors.