Isang Agaw-Pansin na Two-Storey Family Home, Punong-puno ng Sunflower-Themed na Dekorasyon na Pagmamay-ari ng Isang Ahenteng Misis at Janitor na Mister

Mahalaga para sa ibang tao at ikinatutuwa nila kung nakikita nila sa lahat ng oras ang mga bagay na kinahihiligan nila. Dahil dito, ang iba ay inilalagay ang mga koleksyon ng kanilang mga paboritong karakter sa kanilang sariling espasyo.

Ang iba naman ay ginagamit ang kanilang paboritong kulay para sa kanilang bahay. Para naman sa mga may-ari ng bahay na ito, siniguro nilang punong-puno ang family home na ito ng kanilang paboritong bulaklak.

Ang napakagandang bahay na ito ay na may temang  Sunflower ay pagmamay-ari ni Quency Rez Sagucio isang ahente na misis samantalang ang kanyang asawa naman ay isang Janitor. Proud na ibinahagi ito ni Quency kung saan kasalukuyan pang hindi tapos dahil may mga ongoing renovation pa sila dito.

Sa labas pa lamang ng tahanan ay makikita na ang napakaraming kagamitan na mayroong sunflower na disenyo. Kung iisipin nga ay hindi kapani-paniwala na punong-puno ng iba’t ibang sunflower na disenyo ang bahay na ito ngunit totoong makikita ang mga ito sa bawat sulok ng bahay.

Photo credits: Quency Rez Sagucio | Facebook

Mula sa doormat, mga kurtina, wallpaper, at mga palamuti ay kakikitaan ng mga sunflower na disenyo. Dahil dito, talagang naging kakaiba ang bahay na ito kumpara sa iba. Bukod dito, kahanga-hanga rin na bagamat maliit ang espasyo ng bahay ay napanatili pa rin nila itong maaliwalas at organisado.

Photo credits: Quency Rez Sagucio | Facebook

Sa porch pa lamang ay siniguro na ng mga may-ari na magagamit nila nang maayos ang espasyong ito kaya naman inilaan nila ito bilang receiving area para sa kanilang mga bisita.

Photo credits: Quency Rez Sagucio | Facebook

Dahil dito, naglagay rin sila ng isang sala set na gawa sa kahoy at mayroong kahanga-hangang wood carvings. Syempre, hindi mawawala ang sunflower-themed na dekorasyon dito. Pagdating naman sa loob ng bahay ay sasalubong ang isa pang living area.

Photo credits: Quency Rez Sagucio | Facebook

Upang maging maayos ang espasyong ito, siniguro ng mga homeowners na nagagamit nila nang maayos ang bawat sulok ng bahay. Dahil dito, inilagay nila ang mga entertainment appliances sa ilalim ng hagdan.

Photo credits: Quency Rez Sagucio | Facebook

Mayroon ding open layout ang bahay na ito kaya naman mula sa living area ay makikita agad ang dining space na mayroong mga palamuti na pasok pa rin sa kabuuang tema ng bahay.

Kumpara naman sa living at dining area, mapapansin na mas maliit ang espasyo sa kusina kaya naman makikita ang organisadong pagkakaayos ng kanilang mga kagamitan sa nag-iisang counter space dito.

Photo credits: Quency Rez Sagucio | Facebook

Photo credits: Quency Rez Sagucio | Facebook

Naging karagdagang storage space din ang mga floating cabinets. Bagamat limitado ang espasyo rito, hindi ito naging hadlang para sa mga may-ari na maglagay ng wallpaper na mayroong imahe ng mga sunflower.

Photo credits: Quency Rez Sagucio | Facebook

Photo credits: Quency Rez Sagucio | Facebook

Photo credits: Quency Rez Sagucio | Facebook

Isa rin sa nakakatuwang parte ng bahay ay ang comfort room na hindi rin magpapahuli sa sunflower theme ng bahay.
Base sa konkretong materyales ng bahay gayundin sa laki nito, maaaring PhP1.8 million ang nagastos upang maipatayo ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *